Kris Aquino, people will love to hate.
Isang Pagsusuri kay Kris Aquino, mula sa blog ni Nikki Cruz
by Megan de Leon
Sa usapang pop culture, matataguriang isang pop icon si Madonna kung saan naging timeless hindi lang ang kagandahan niya, kagalingan sa pagkanta at pagsayaw, kung hindi sa kanyang laking impluwensya sa mga fans at mga nakikinig sa kanyang musika at ugali. Si Madonna ang prinsesa ng pop hanggang ngayon, na hindi mapapalitan ang kanyang epekto sa mga tao. Maaaring siya nga ay kinakainisan ng mga taong konserbatibo, pero tinitingalaan ng mga taong katulad niya; ika nga, liberated.
Ayon sa pagsusuri ng blog entry ni Nikki Cruz http://filculmgroup5.blogspot.com/2008/10/kris-aquino.html, idinako niya ang ganitong mentality sa mga Pilipino kung saan nagkakaroon din ng Pinoy icon na nakakaimpluwensya sa mga tao. Siya ay si Kris Aquino. Galing siya sa isang prominenteng pamilya kung saan sinasaloob ng kanyang pamilya ang pagiging tagapamuno ng ating bansa, ang former president na si Cory Aquino at ang kinikilalang bayani ng mga Pilipino na si Ninoy Aquino. Hindi lang sa kanyang pangalan kaya siya nagiging isang icon, kung hindi sa kanyang pagiging aktres sa ilang taon na nakalipas, ang kanyang pagiging host, at ang mga kontrobersyal na isyus na nadadamay siya kung saan inaabangan ng lahat. Si Kris Aquino ay isang host na people will love to hate. Kahit gaano pa nila ito laitin, o kainisan sa kanyang pananalita, pinapanood pa rin siya. Ganon katindi ang impluwensya niya sa mga tao halip sa hindi na siya pansinin sa showbiz dahil sa mga naiinis sakanya, lalo siyang nagkakaroon ng limelight sa entertainment industry. Higit pa dito ay ang kanyang mga iba't ibang advertisements kung saan naman isa itong malaking oportunidad sa kanyang lalong pagsikat. Higit sa kinakainisan siya maghost, o di kaya umarte, tinaguriang siyang "box office queen" sa kanyang panahunan kasama ni Rene Requestas.
Marami nang isyung mabibigat ang pinagdaanan ni Kris Aquino. Ngunit kitang-kita mo sa telebisyon ang kanyang pagiging tunay na babae, pagiging matatag sa kanyang pinagdadaanan, mula sa pagkamatay ng kanyang ama, ang pagsabak ng kanyang ina bilang presidente, ang kanyang lovelife kay Joey Marquez. Ilan lang ito sa pinagdaanan niyang mabibigat. Dito isinuri ni Nikki Cruz, na hindi sa kanyang pag-arte o paghost kaya kilalang kilala si Kris Aquino, dahil isa siyang representasyon ng babaeng Pilipina kung saan kinakaya lahat ng problema at hinaharap ito kahit sa buong bayan, kahit makakasira pa ito ng kanyang imahen. Totoo siya sa sarili niya, at ito ang tunay na icon.
Filipina Male-order brides at ang babae bilang COMMODITY
Blog entry # 2 by Megan de Leon
Karapatan – isang makapangyarihan na gawi ng mga tao na ipinaglalaban para magawan ng kilos ang nararapat para sakanilang ikabubuti. Marahil hindi lahat ng kababaihan ay nakakaranas ng hindi makatarungan na pagtanaw ng kani-kanilang karapatan. Bagkus nito, ang mga Pilipina ay nakakaranas ng mga karumal-dumal na pagkababa ng tingin sakanila sa pag-aabuso ng kanilang kasarian, katangina, at katawan.
Ang grupo ng Gabriela ay tumayo para maging lunas sa isyu ng mga kababaihan sa kanilang mga karapatan. Sila ay gabay ng mga babaeng takot humarap at ipaglaban sa hustisya ang kanilang karagdagang nilalaman ukol sa kanilang mga paniniwala. Masasabi ko sila ang dapat maging ehemplo o idolo ng mga babae dahil wala silang kinakatakutan para lang ipaglaban ang ating uri. Ang ating paniniwala ay binibigyang halaga at importansya sa mga katauhan at naisasaad ito sa kaalaman ng gobyerno upang gumawa ng kilos na maitigil na ang pag-aabuso.
Ang isyu nais ko pag-usapan ay ang “Filipina Male –order brides”. Ito ay marahil walang kinalaman ang pagkalahatan sa isyu na ito lalo na’t hindi naman pinapakinggan ang boses ng kababaihan sa kanilang mga karapatan. Ang “Filipina Male-order brides” ay isang “order” na nilalaman ang mga Pilipinang binebenta sa mga dayuhan sa pamamaraan ng internet or catalog para sa kanilang “bride-to-be”. Ang catalog na iyon ay nilalaman ang kanya-kanyang impormasyon katulad ng pangalan, edad, kanilang mga litrato etc. at ito ay pinipili at binibili. Ibang mga binibiling Pilipina ay binabayaran ng mga Amerikano at ito ay magbibigay ng pamasaheng lumipad papuntang Estados Unidos at ito ay magpapakasal na.
Ang rason bakit gusto ko pag-usapan ang ganitong isyu ay hindi ito katumbas ng mga usapan na rape or prostitution dahil ang “Filipino male-order brides” ay may karagdagang benepisyo ngunit naipapakita parin ang “pagbebenta ng katawan”. Sadyang makatarungan ba na ibenta ang katawan para lang magtayo ng negosyo sa mga naghahanap ng “Filipina brides” at pumatol naman ang mga nasa catalog para makakita ng pera, at lumipag papuntang USA at masabing may asawa na?
Sapat na larawan na ito sa pagtingin sa ating bansang hirap, na hindi man lang mabigyan ng moral na trabaho at “binebenta” na lang ang kanilang sarili sa mga dayuhan at masabing may asawa para sa kanilang kita. Isang malaking pag-asa ang nabibigay ng grupong Gabriela upang mamulat ang mga mata ng mga kababaihan pumapatol sa ganitong klasing uri ng pagkikita dahil hindi nila nararamdaman na isang pag-aabuso na ito sa kanilang katawan lalo na ang kanilang moralidad.
Sa kasalakuyan, naipapakita na ang halaga ng kababaihan bilang mababa sa paraan na ginagamit na lang ito bilang “commodity” para lang maibenta ang sadyang mga produktong nilalaman ang katawan ng mga babae. Nakikita ito sa iba’t-ibang aspeto at anyo ng medya sa telebisyon, tabloids, magasins. Katumbas na ng mga gamit ang paggamit ng imahen ng kababaihan upang makabenta at nakakalungkot isipin na ito ay binebenta lang sa murang presyo. Sadyang isang isyu ito na masasabing isang midyum na lang pala ng pagbenta ang katawan ng mga babae. Pati narin sa mga klaseng komersyals nito katulad ng mga alak, panglalakeng magasins, at pang-tsismis na tabloids. Maipapasok ang tanong, kailangan ba talagang gamitin ang katawan ng babae upang gumanda ang mga magazine covers? Maibenta ang mga murang dyaryo, at maimpluwensya bumili sa mga ma-senswal na komersyals?
Maihahambing na rin ito sa mga pelikulang ipinagbabawal ng MTRCB na masasabing “pornography” katulad ng Prosti, Xerex, Scorpion nights, na ginagamit ang katawan ng mga babae para makabuo ng istorya at pelikula na maipapaktia sa mga manonood.
Minsan hndi na naipapakita ang halaga ng produktong ibinebenta kung hindi binibigyan tuon lalo ang kababaihan sa isyu na ito.
Ang pagpunta ko sa Shangri-La Mall
by Megan de Leon
Pumunta ako ng EDSA Shangri-La Mall sa may
The Buzz (Pagsusuri ng Wika)
by Megan de Leon
Sadyang kitang-kita ang laking phenomena ng palabas ng The Buzz kung saan nilalahad ng show na ito ang iba't ibang kontrobersyal na isyus lumalaganap sa showbiz at pinamumunuhan ng mga prominent hosts na si Kris Aquino at Boy Abunda. Dito nagiging outlet o labasan ng mga problema umiikot sa mundo ng mga artista. Maraming bahagi ang presentasyon ng palabas nito kada linggo, kung saan ang pinaka-latest o hot na mga isyu na alam ng mga audience o ang mga isyu na alam nilang mapapanood ang mga tao lalo na sa mga sikat na artista. ay ipapakita o di kaya May isang segment dito na tinatawag na "Blind item" kung saan maiiwan curious ang mga manonood sa kung sino ang artistang tinutukoy nila sa isang partikular na isyu. Maaaring ang mga isyu na ito ay gawa-gawa lang upang magkaroon ng publicity stunt sa isang artista upang maging usapan ito ng karamihan.
Kapansin-pansin ang pamamaraan ng kanilang paghohost sa pamamagitan ng pagiging lively nila upang mailahad ang kanilang paglibang sa mga manonood upang hindi sila maboringan sa pagbibigay impormasyon. Sa simula ay makikita mo ang introduksyon ng hosts na si Kris Aquino
kung saan nakikita ang kanyang personalidad sa kanyang pananalita. Kilala si Kris Aquino bilang kilalang artista, anak ng sikat na nakalipas na presidente at iniidolong ama na si Ninoy Aquino. Dito naipapakita ang kanyang paglaki bilang elitista magsalita sa pamamagitan ng pagsasalita ng Taglish. Napansin ko lang na ginagawa niyang mas maayos ang pananalita ng paghalo ng Tagalong at Ingles upang maiparamdam niya ang lebel ng paglalahad ng impormasyon at isyu sa target audience na ang mga masa.
Si Boy Abunda naman ay isang kilalang host kung saan tinagurian siyang pinakamagaling maghost na bading kung saan masinop ang kanyang pananalita at nakakapantay niya rin ang lebel ng pagiintindi ng mga masa. Ngunit hindi rin maiwasan ang kanyang kagaling sa pagsasalita ng Ingles habang nagiinterbyu siya sa mga artista tuwing may isyu na pinaguusapan.
Ang wikang nagagamit sa The Buzz ay hindi purong Tagalog at Ingles, kung hindi pinaghalo ito upang maintindihan ng lahat. Dahil ang motibo ng The Buzz ay pagusapan ng mga isyu, hindi maiwasan magkaroon ng pabalbal na mga salita na nasasabi ng mga hosts upang mabansagan na isang hot isyu ngunit matinding pag-iiwas pa rin ito dahil pwedeng makasuhan na libel ang mga maling impormasyon na nakakapahamak sa pangalan at imahen ng artistang pinag-uusapan. Katulad na lang ng dating isyu ni Cristy Fermin kung saan tinanggal siya bilang main host ng The Buzz at pinalitan ni Kris Aquino dahil sa kanyang kasong libel na kinasuhan ni Amabelle Rama.
Ang Tv Show ng The Buzz ay punong-puno ng kontrobersyal na isyu kung saan kritikal ang uri ng wika na pwedeng makasira ng imahen ng artista, o makabuo ng isang gulo na magiging isang kontrobersyal na isyu pa. Ang The Buzz ay isang tv show kung saan kinakailangan magkaroon ng adaptation ng hosts sa lebel ng pagkakaintindi ng mga manonood dahil ang target audience nila ay ang masa.
Pagsusuri ng blog na: Si Juday sa Pilipinas ni Joanna Becong
ni Pauline Martelino
Ang aking kinuhang blog ay ang blog ni Joanna Marie Becong tungkol kay Judy Ann Santos. Bakit ko ito pinili? Dahil fan din ako dati ni Juday! Lalo na noong panahon na kasabayan pa niya sina Claudine at Jolina. Isa pang dahilan ay dahil ang blog entry naming ito ay ang pinakapaborito ko sa lahat. Ka nga nila, “showbiz”. Magandang naitalakay ni Joanna ang imahe ni Judy Ann sa telebisyon at maging sa totoong buhay. Mabaet, kinakawawa, inaapi, mahirap lamang, nagmamahal, mapagpatawad, ito ang mga ugali ng tipikal na BIDA. Hindi maipagkakaila na lahat ng mga ugaling ito ay pinagdaanan na ng halos lahat ng artistang babaeng pilipina na gumanap ng bidang mga papel. At dahil isa na nga dito si Judy Ann pati na rin dahil sa pinakita nitong husay sa pag-arte, walang masamang isyu tungkol sa kanya at tila sunod sunod ang kanyang mga palabas, maari na natin siyang bansagan na isa sa mga “superstar” sa industriyang telebisyon ng Pilipinas.
Sino nga bang hindi nakapanood ng Mara Clara na kung saan napakahaba pa ng buhok ni Juday doon at tila “nene” pa ang kanyang itsura. Tama nga ang sabi ng autor ng blog, hawa-hawa lang ang ito, kung sabagay hindi naman mahirap magustuhan si Judy Ann. Minsan nga ay napapaiyak o di kaya’y nagagalit ang mga manoonood kapag sinasampal sampal o di kaya’y nilulublob sa drum ni Gladys si Judy Ann sa palabas na ito. Sabi nga nila “nacacarried away” daw sila sa eksena dahil kampi sila sa martyr at napakabaet na si Juday. Marami pang mga palabas na naroon si Judy Ann, tulad ng ezperanza, nasaan ang puso, kahit isang saglit, bakit di totoohanin at madami pang iba. Gumanap din siya sa ilang mga palabas bilang anak o di kaya’y kasama sa barkada tulad ng palabas na isususmbong kita sa tatay ko, Jologs at Gimik.
Ilan sa kanyang mga naging katambal sa pelikula ay sina Wowie De Guzman, Mark Anthony Fernandez at Rico Yan. Ang imahen naman ni Judy Ann pagdating sa pagibig ay ang pagiging martyr at nakasalalay ang kanyang kaligayahan sa mga lalakeng kanyang nakakatambal. Hindi man natin napapansin ito ay sumasalamin sa buhay ng mga Pilipinang tila umiikot ang mundo sa kanilang mga kasintahan. Maaring masasabi natin na ang imahe ni Judy Ann ay totoo hindi man sa kanya bilang tao ngunit representasyon ng nakararami na tumatangkilik at sumusubaybay sa kanya bilang isang aktres.
Nawala si Judy Ann sa showbiz sa isang punto ng kanyang karir. Tila nagsawa na ang mga manonood sa kanyang imahe o maaring pati siya ay nagsawa na din. Ngunit hindi doon nagtatapos ang lahat. Ginulat tayo ni Juday sa kanyang pagbabalik. Mukhang nawala na ang kanyang imahe bilang martyr at lumabas siya bilang isang malakas na babae. Maikli na ang kanyang buhok at napakasopistikada ng kanyang dating, ibang iba na si Juday. Kung akala natin ay hanggang panlabas na anyo lamang ang pagbabago ay nagkakamali tayo. Muli tayong ginulat ni Juday noong siya’y muling gumawa ng mga pelikula at teleserye niya. Nawala na ang mga pacute na roles niya kasama ang kanyang mga leading man. Siguro nga’y “nagmature” na siya bilang isang aktres. Isa sa kanyang ginampanan ay bilang isang matibay na ina para sa kanyang anak sa teleserye niyang “sa puso ko iingatan ka”, katambal niya dito si Piolo Pascual. Ang susunod naman niyang teleserye ay tungkol sa isang NBI agent (oo, action), katambal naman niya dito si Robin Padilla. Napanood niyo ba ang Krystala? Naging matunog ito sa industriya ng telebisyon. Naabot na nga yata ni Juday ang pagiging “super” dahil gumanap na siya bilang isang “superhero” sa kauna-unahang pagkakataon. Hindi lamang ito ang nanggulat sa atin dahil natagpuan ni Juday dito sa programa niyang ito ang kanyang kasalukyang kasintahan na si Ryan Agoncillo (gumanap din na katambal niya sa Krystala). Sumunod naman dito ang kanyang pelikula na “Kasal Kasali Kasalo” at “Sakal Sakali Saklolo” na katambal din niya si Ryan Agoncillo, ang kwento nito’y ang karanasan ng mag-asawa: mga nakakatakot na biyenan, away mag-asawa, kabit at ang hirap magkaroon ng anak. Pagkatapos nito’y gumanap naman si Juday sa isang kakaibang papel bilang “Ysabela”, isang malakas na babae na kung saan sumikat ang kanyang “chicken inasal”.
Masasabi ko ngang malaki ang pinagbago ni Juday. “Extremes” nga ang kanyang ginanap, bilang isang aktres na mahina at kinakaawaan, at aktres na malakas at walang kinakatakutan. Napakagaling nga ni Juday dahil kayang kaya niyang bigyag hustisya ang kahit anong role na kanyang gagampanan. Napakalakas parin ng hatak niya sa kanyang manonood dahil kahit pa napakalaki ng kanyang pagbabago ay patuloy parin silang tumatangkilik sa kanyang mga palabas. Pati ako, hindi ko ipagkakaila, fan parin ako ni Juday.
Bubble Gang
ni Helen E.
"You're such a loser yaya"
"Bonggang bongga"
ilan lamang ang mga litanyang ito na pinasikat ng comedy show na Bubble Gang. Syempre, tuwing Biyernes, sino ba naman ang makakalimot sa Bubble Gang? Bukod sa patok na patok ang mga patawa nila, kwelang kwela at ginagaya pa ito ng mga manunuod.
Si Ogie Alcasid na hindi naman talaga komedyante (baduy na komedyante noong 90s) ay sumikat ng todo at nakilalang husto sa Bubble Gang. Dito, napatunayan niyang isa siyang versatile na artista; hindi lamang pagkanta ang kanyang hatid, maging ang pagpapatawa ay kayang kaya niya. Hindi man siya gwapo ay nagustuhan siya ng mga tao dahil kwela siya.
Ang mga artistang tulad ni Diego ay nabigyan ng pagkakataong magkaroon ng trabaho at makapagpatawa, isa man siyang objek kung ituring sa loob ng show, sumikat naman siya ng husto sa mata ng madla.
Ang Bubble Gang ay nagbibigay kasiyahan sa mga Pilipino, naghahatid aliw sa mga manunuod at itinatakas sa mundo ng problema ang mga Pilipino partikular ang masa. Pero, ito nga lang ba ang nais iparating ng Bubble Gang?
Ano nga ba ang hatid ng isang Bubble Gang sa mga Pilipino?
Ang Bubble Gang ay isang makabagong kultura ng mga kabataang Pinoy. Kung noon, pinapanuod lamang natin ito at pagkatapos ng programa ay kinakalimutan na natin ang ating napanuod, ngayon, ang show na ito ay tumatatak sa isip ng mga tao at ang mga linyang sinasabi sa loob ng programa ay ginagamit na rin ng mga tao sa pakikipag-usap.
Nagiging role model na ang Bubble Gang sa mga kabataan kung saan ito ang nagiging "fashion" nila pagdating sa pakikipag-usap. Baduy man ang ganitong programa para sa mga ipokrito, ito naman ang nagiging hegemonya sa pagkontrol ng dialogo ng mga kabataan.
Phenomenal lang ang mga linyang pinasisikat ng Bubble Gang, hindi tulad ng gay lingo at salitang kanto na tumatatak sa bokabularyo ng mga tao, ang mga salita sa Bubble Gang ay nalalaos din agad at napapalitan din ng bago.
Baduy na kung baduy, nagsisilbi namang isang hegemonya ang Bubble Gang sa pagkontrol ng mga kabataang Pilipino sa kasalukuyan.
Vic sotto by Charles Perez
Blog entry # 5
Maria Carmina Baron
Si Bossing ni Charles Perez
Ang napili kong blog entry ay ang isinulat ni Charles Perez tungkol kay Vic Sotto. Nagustuhan ko ito sa maraming dahilan, una, kaakit-akit ang kanyang ginawang introduksyon. Pangalawa, nainitindihan ko nang mabuti ang kanyang isinulat dahil sa choice of words niya at dahil na rin nagustuhan ko ang istilo niya na naglalahad mula sa karanasan.
Hindi ako fan ni Vic Sotto. Hindi ko nga alam kung bakit, katulad nga ng sinabi ni Charles, ay maraming babae ang nahuhumaling kay Vic Sotto. Kung gagawin mo siyang kaedad ko, hindi siya ang magiging trip ko. Nanunuod ako ng mga palabas niya ngunit hindi ko masasabing siya ang pinakamagaling na host sa noon time show at artistang pangkomedya sa kasaysayan ng industriya ng showbiz. Masasabi kong isa siyang matagumpay na comedy star dahil katulad nga ng nabanggit sa blog entry, hindi kailangang magsuot ni Vic ng mga katawa-tawang kasuotan o mag make-up na parang payaso upang magbigay ng ngiti sa mukha ng libo-libo niyang manunuod kahit pa ba minsan kailangan kong amining hindi lahat ng kanyang mga jokes ay nakakatawa, minsan ay corny rin ang mga ito. Gayunpaman, may respeto pa rin ako kay Vic Sotto bilang isang artista.
Katulad ni Charles, naging biktima rin ako ng sapilitang panunuod ng noontime show ni Vic na Eat Bulaga bata pa lamang ako. Paborito itong panuorin pagkatapos kumain ng pananghalian sa aming bahay. Malaki ang hatak ni Vic sa patuloy na tagumpay na tinatamasa ng nasabing TV show, sinabi nga ni Charles sa kanyang entry na tinitingala talaga si Vic sa kanyang talento sa pagpapatawa. Kadalasan pa nga ay idinidikit ang kanyang pangalan kasunod ng King of Comedy na si Dolphy. Talagang isa na siyang matagumpay na artista. Kung maglalabas siya ng pelikula sa MMFF, ang kadalasang dahilan ng pagiging Box office king niya ay dahil mabuting naipa-publicize ang mga pelikula sa noontime show. Dahil nga marami ang sumusuporta sa kanya, marami ang nahahatak niya upang manuod at tumangkilik nito.
Naipakita sa artikulo ang pagiging isang simpleng tao ni Vic, sigurado naman tayong lahat na isa na siyang mayamang tao ngunit may puso pa rin siya sa mga mahihirap. Hindi siya nagbibihis sa mga magarbong damit, okey na siyang lumabas sa TV araw-araw sa simpleng pananamit lamang.
Alam kong kumakanta si Vic Sotto ngunit hindi ako aware hanggang nabasa ko ang entry ni Mr. Perez na may grupo pala si Vic. Nagbanggit pa siya ng ilang mga kantang hindi ko inakalang pinasikat pala ng kanyang grupo.
Tinapos ni Charles ang kanyang entry sa mga salita ng paghanga sa kabutihan ni Vic bilang isang tao, na hindi nagsasawang ibahagi ang kanyang talento at panahon para sa mga simpleng tao humahanga sa kanya.
by: Helen E.
Ang blog ni Lou Algenio http://filculma51g3.wordpress.com/2008/10/05/lou-algenio-jologifikasyon/ ang aking napili. Dito, tinalakay niya ang kahirapan sa Pilipinas, partikular ng mga Pilipino. Ipinakita niya ang irony ng mahirap at mayaman kung saan ang P100 ay nagkakahalaga lamang ng isang basong kape sa Starbucks para sa isang mayaman at ang P100 naman para sa mahirap ay para sa isang araw na pangkain na para sa buong pamilya. May punto ang kanyang sinasabi lalo pa't nangyayari ito sa totoong buhay, maging ito man ay masalimuot tanggapin at mukhang hindi kapani-paniwala dahil sa kalunos-lunos na katotohanan.
Sinisisi ng marami ang ating gobyerno, nandyan ang pagsita sa pangungurakot ng mga pulitiko, ang kakulangan sa sistema ng mga Pilipino, at kung anu-ano pa. Nabanggit din ni Lou sa kanyang blog na ang pagbabago ay nagsisimula sa sarili natin, sang-ayon ako rito dahil oo nga naman, kung gusto natin ng pagbabago ay manggaling dapat ito sa sarili natin. Ngunit, hindi ito ang nangyayari sa realidad, dahil puro paninisi sa iba ang ating ginagawa, walang gustong umako ng pagkakamali. Sinasabing Pilipino ang pinakamasayahing tao sa Asya, ngunit masaya nga ba talaga sila? O nagbubulag-bulagan lang sila sa katotohanang sa likod ng mga ngiti't tawa ay naroroon ang poot pangamba sa kanilang estado sa buhay?
Hindi masasabing pesimistiko ang mga Pinoy dahil sila ay masayahin, at sa bawat problema ay lagi nilang sinasabi ay tawanan lang ang problema at ito ay lilipas din. Sa kabilang dako, tama rin ang sabi ni Lou na hindi optimistiko ang mga Pinoy, kung sabagay, sino pa ba ang magiging optimistik sa lagay ng ating bansa ngayon? Maging ang mga dayuhan ay mababa ang tingin sa ating bansa, ano pa kaya ang mga Pilipino na kolonyal ang takbo ng pag-iisip?
Kung gusto natin ng pagbabago, ito ay dapat magmula sa sarili natin, MISMO.
Melo Sabitsana
The blog I picked is “Chax Cabrera: Sex and the City at Kung Fu Panda sa Panahong Tulad Nito” They’ve used the Filipino language in a much critical manner. The blog shows how the person reacts on local movies and foreign movies. The Filipino language used is deep, shows deep thought of the topic. Mostly they criticize the local movies since Filipinos don’t really know how to do much in movies rather than foreign movies.
The language they use in the blog is purely Filipino and each sentence is well detailed. There are some words in the blog that are uncommonly used in our time today; the blog shows how we Filipinos criticize the local movies, the differences of local and foreign movies. I myself too agree with the blog, not only that Filipinos have no originality they even make movies too corny and they don’t know how to animate that good as foreign people.
The blog clearly shows how criticizing we are, we mostly use our language in a criticizing manner but we try to put it in a good way, the words used try not to hurt the Philippine nationality but is just trying to prove something. Once a person has read the blog they see it more as a comparison which is how we Filipinos really are. We compare a lot, we like to criticize but we criticize because we try to put some sense into people to prove something right. The blog also tackles on how Filipinos make movies and how people react on local movies.
But at the other side of the blog it does not only criticize but shows the good side of local movies. Filipinos express their imagination through these movies, they try to give values in the movies they make, shows how deep us Filipinos are. We may be insulting at times but we also know how to use our language for a much better purpose.
They used our language to show what is more enjoyable to watch, or what is better to spend time. Despite foreign movies being much more interesting, the blog also shows that we Filipinos know how to appreciate our local movies.
The language used shows part comparison and part appreciation, it has criticized the movies, the language, there is a part where it says if you knew how to speak English you can live anywhere, isn’t that insulting? So they used the language in a much insulting manner rather than in a good way. The blog would immediately make great citizens of the Philippines go riot all over the person who wrote the blog, but this is a free country, we are allowed to express our feelings.
The language is used in a much negative tone, they might be insulting something right now, but there is no point to riot on the blog because it is just feelings put into writing. It is just a blog that’s trying to prove something to people who have read it.
Americans has greatly take over us Filipinos, majority of the Filipinos today think that local things are not worth it at all. We’ve learned to criticize our own being since we have been greatly influenced by the Americans.
The blog is humiliating and discouraging to us Filipinos but the writer of the blog tried to right it in a way that it won’t hurt the feelings of us Filipinos, The Filipino language is deep, filled with great emotions and he controlled his use of our language to prevent the hurting of feelings. The writer seems to be a vocal person, he writes what he feels.
We Filipinos are people who I’ve seen that are so expressive in writing, we love to write what we feel like the writer of the blog, but he tackles on topics that are more worth thinking about, things that need more thought, topics that are more futuristic. We have our own way of thinking, we are all different. We might see the blog in a different aspect but we should learn how to respect a writer’s point of view, understand people’s feelings.
Finally, the blogs way of talking is more on trying to help us Filipinos learn that we must improve ourselves, be different. But the blog might have given some remarks that have been much insulting but we should learn to correct these insults and prove that we Filipinos are different and we are unlike any other, Turn those insults into a positive view of our way of being a Filipino. We must be proud that our language is deep and our language is vocal and it can make a difference.
Our country has CHANGED, but why must we be influenced with the change? Accept insults or criticizes and learn from it.
Wowowee (pagsusuri ng wika)
ni Pauline Martelino
Hindi natin maikakaila na halos lahat ng mga pamilyang Pilipino ay may sinusubaybayang “noontime show” araw araw. Kabilang dito ang Wowowee. Ang wowowee ay isang programa sa ABS-CBN na araw araw ay tinatangkilik ng sambayanang Pilipinas. Malakas ang hatak nito sa masa dahil ipinapakita daw nito at tinutulungan ang kapwa natin mga Pilipino. Nagbibigay din ito ng kasiyahan sa mga mamamayan dahil sa lakas ng “energy” ng mga host pati na rin ng mga studio audience. Malakas ang hatak na host na si Willie Revillame dahil sa kanyang matulungin o makamasa na imahe sa telebisyon. Hindi lang si Williw ang sinusubaybayan ng mga manonood dito ngunit ang iba pang mga host: sila Valerie, Mariel at Pokwang. Pati ang mga dancers sa palabas ay sinusubaybayan din.
Ang iba’y umaasa sa mga programang ito na sana’y makakapagbago ng kanilang buhay dahil sa limpak limpak na perang papremyo para sa kanila. Nagiging daan din ang mga tfc subscribers o ang mg a pilipinong galing sa ibang bansa upang mangalap ng pera na maaring ipamigay sa mga nangangailangan nito. Dahil nga sa patok ang programang ito, madami din silang sponsors na tumutulong sa pinansyal na pangangailangan ng programa.
Nakakatuwa ang mga palarong kanilang ginaganap sa programa na angkop sa mga manonood at mga nakikilahok na mga Pilipino. Tulad na lamang ng segment nilang ang mga tanong ay tungkol sa mga kanta. Alam naman nating mahihilig ang mga Pinoy sa musika, mapaluma man ito o mapabago. Nagtatampok din ang programa ng mga Filipino artist tulad ng mga artista, singers, dancers at mg komedyante upang mapalaganap ang mga talentong pinoy. May mga segments din na nagpapakita ng mga talento ng mga ordinaryong Pilipino na talagang nakakapagbigay aliw sa mga manonood at maaring sa kanila mismo. Tinatampok din ng programa ang iba’t ibang kwento ng mga Pilipino. Lahat ng saya at hirap ng mga Pinoy na totoong totoo. Kaya’t masasabi kong hindi lang katuwaan ang habol ng mga manonood at mga nakikilahok sa programa ngunit pati narin karamay sa problema ay nakukuha nila dito. Magkahalong saya at lungkot ang dulot ng programang ito sa mga Pilipino.
Ngayon nama’y susuriin ko ang wikang ginamit sa programang wowowee. Masasabi kong Pilipinong Pilipino ang paggamit ng wika at mga salita sa programa. Madalas ay Filipino ang wikang ginagamit dito ng hosts at mga nakikilahok. Gumagamit lamang sila ng wikang Ingles kung ang kausap nila ay mga dayuhan o ang mga TFC subscribers. Ginagamit nila ang ating sariling wika dahil ang target audience ay ang masa. Nais nilang maintindihan ng buong sambayanang Pilipino. Hindi lamang ang mga mayayaman ngunit pati narin ang mga mahihirap at mga middle class. Nais nilang maabot ang kamalayan ng lahat ng Pilipino. Masasabi ko ding hindi puro ang Filipinong ginagamit sa programa dahil may apektado din ito ng gahum. May mga panahon na halo halong ingles at Filipino na kung tawagin natin ay “taglish” dahil hindi may mga salitang ingles na walang katumbas sa Filipino o dahil na din sa gahum ng wikang ingles sa ating bansa. Ang segment na kadalasan ay taglish ang ginagamit sa programa ay ang segment nilang “Pera o Bayong”. Nakakatuwa dahil pati ang mga kantang ginagamit nila ay ang mga kanta ni Lito Camo tulad ng: boom tarat tarat, igiling-giling, hephep hurray at sayaw darling ay ginagamitan ng wikang Filipino kaya’t patok na patok sa masa. Pati rin ang mga taglines ng mga sponsors na produkto ay Filipino. Ang halimbawa nito ay ang produktong paulinement: “walang aww sap pau!”.
Nakakatuwang isipin parin na kahit may kaonteng taglish sa wikang ginagamit sa programang ito, tila binubuhay parin nito ang wikang Filipino dahil kahit pa sinasabi ng iba na nagmimistulang “first language” na natin ang wikang ingles, tinatangkilik parin ng midya ang wikang Filipino. Sana’y lahat ng mga programang pantelebisyon ay gumamit na din ng wikang Filipino hindi lamang dahil sa mas madaming Pilipino ang makakindi sa programa nila ngunit upang mas mapalaganap na din ang wika natin at mabuksan an gating kamalayan upang makalaya tayo sa gahum na wikang ingles.
Game show: Kapamilya Deal or no Deal
Blog entry # 4
Maria Carmina Baron
Naaalala ko pa na nasa elementarya ako nang sumikat ang mga palabas na “The weakest link” at “Who wants to be a millionaire?” dito sa ating bansa, kapwa banyagang mga game shows na binili upang pagkakitaan din dito sa Pilipinas. Si Edu Manzano ang nag-host ng unang nabanggit na gameshow at si Christopher De Leon naman sa ikalawa.
Kasabay ng paglabas ng mga ito na tunay namang naging patok sa ating bansa bagamat hindi ABS-CBN o GMA ang nakabili nito na kilalang mga pangunahing TV networks sa ating bansa, nagsulputan na rin ang mga lokal at orihinal na game shows na katulad na lamang ng “Game Ka Na Ba?” na unang pinagbidahan ni Kris Aquino bilang host. Magpahanggang sa ngayon ay isa pa rin itong mabentang game show kahit hindi ito ipinatern sa anumang banyagang game show.
. Ngunit, magpahanggang sa ngayon, hindi pa rin kumukupas ang kasikatan ng mga game shows na binibili o yung sinasabing “franchised” ng mga tv networks upang gawing mas “Pilipino”
.
Isang halimbawa na lang ang “Kapamilya: Deal or no deal” ni Kris Aquino na nasa ikalawang season na nito dahil sa tagumpay na tinamasa nito nung unang season. Si Kris Aquino na mula sa isang marangyang pamilya ay kilala sa pagsasalita niya sa “sosyal” na paraan – Ingles o sa Taglish. Wala sa kanyang istilo bilang host ang pagsasalita sa purong Filipino lamang. Ito rin ang sinasalamin ng kanyang TV game show na Deal or no deal.
Bagamat binili lamang ito mula sa isang banyangan kumpanya, hindi naman nito ibig sabihin na kailangang banyaga rin ang gamiting wika sa pagpapatakbo at pagpapalabas dito. Kung magkakagayon, siguradong hindi bebenta sa ating bansa ang palabas na ito. Sa katulad na game show na ito, hindi lamang ang nagtataasang papremyo ang salik upang ito ay tangkilikin ng mga tao. Dapat lamang na ang mga manunuod ay nakakareleyt at nakakasunod sa mga pakulo nito. Isang magandang bagay na dapat lamang na isama sa ating konsiderasyon ay ang wikang gagamitin.
Ang deal or no deal, bilang isang game show ay isa ring reality show. Ibig sabihin nito ay walang script sa halos kabuuan ng palabas. Ang mga manlalaro ay libre upang sabihin ang nais nilang sabihin, sa Ingles man o sa Filipino. Ngunit sa katagalan na ako’y nanunuod ng palabas na ito tuwing uuwi ako sa gabi pagkagaling ng paaralan, wala pa akong nakitang mga manlalaro na nagsasalita lamang sa Filipino o maging sa Ingles lamang. Kahit sina Jon Avila at Will Devaugh na naglaro kelan lamang na kapwa sikat sa pagiging bihasa nila sa Ingles ay nagsalita rin naman sa Filipino noong episode nila. Ang mga ordinaryong tao ay napipilitan rin na magsalita sa Ingles kapag pumipili sila ng briefcase sa pagsasabi nila ng “I choose briefcase number…….”
Siguro sa mga palabas na katulad na ito ay hindi maiiwasan ang pagsasalita sa Tagalog at Ingles, kung kaya’t ang nangingibabaw na wika sa mga ganitong klaseng game shows ay Taglish. Kung titignan naman natin ang host, may mga pagkakataon na nagsasalita sa Kris sa Ingles; kapag siya ay nagtatanong o kapag siya ay may nililinaw sa kanyang mga panuto sa manlalaro. Ngunit, kadalasan ay sa Taglish niya mas epektibo at mas mabisang naipapaliwanag ang kanyang sarili para na rin sa kapakanan ng kanyang ma manunuod at manlalaro.
Ang wika bilang salik sa isang TV show ay nakadepende pa rin sa iba’t ibang bagay. Una, sa uri ng tv show, katulad nga ng nabanggit, sa isang reality tv show kadalasan taglish ang nagiging wika. May mga palabas na may pagkapormal ang wikang gamit, katulad sa mga news at public affairs. Mayroong mga palabas na gumagamit ng mga balbal na salita katulad ng mga gag shows at noontime shows. Nakadepende rin sa karakter o host ng isang palabas ang wika.
Para sa akin, sa kontemporaryong panahon ng mga manunuod. Mas pipiliin ng mga tao ang isang palabas na gumagamit ng Taglish, sa isang wikang nagbubuklod ng magkaibang estado sa isang lipunan. Mas epektibo ito upang maging mabenta ang isang palabas.
blog entry # 4
Melo Sabitsana
Filipinos are well known for being bilingual; they constantly adapt languages in any degree of complexity in a matter of a few years.
As a Filipino myself, I know only two; English and Filipino. That’s pretty much mandatory for every Filipino. Such is enough for a Filipino to become a global person who can reside in any part of the world and can still settle down understanding the people around him.
But aside from our innate ability to learn languages, Filipinos are also good in bending their own language to create a sensational masterpiece. Filipinos who are really good in their native language never fail to impress their fellow countrymen with Filipino words that would appear to be weaving magic whenever you read them. And whether they are aware of it, they use their language in a lot of ways that gives a positive effect on the person who use it and the people who listens.
Such is slightly the case, however, in a variety show called, Nuts Entertainment.
Nuts Entertainment features our beloved stars going through a series of funny challenges set by the hosts, showing a more humane side to what seems to be a perfect being with skins and faces that has money.
Aside from either humiliating or improving the star’s fame rate, let’s use this show to prove how Filipinos really use their language. They use our language to deliver irony and insults but still make people laugh.
Filipinos are vocal people; this is because our democratic government encourages us to do so. Whenever there’s something we don’t like, we immediately start a riot. But let’s scale it down a little. In the part of the show where they interview celebrities, they drop insults every now and then. But that’s part of the show. Without it there’s no laughter. However I find it amazing that they don’t seem to hurt anyone in the process. Americans may dominate the floor in standup comedies, but when it comes to subliminal insults, we’re no doubt better.
The show also encourages that they use our language in cooperative means.
In this show, celebrities are always grouped in to two for every challenge, and the only way to win is when they communicate what each of them is supposed to do. Other comedy shows are usually scripted to deliver the humor, in this show however, watching them work together in a certain dilemma is what makes it all the more hilarious. Because they are in groups, they have to set aside their differences and listen to each other to win.
Maybe they didn’t intend it, but they also use our language to boost relationships.
Since they spend time with each other in every challenge, they would no doubt know more about each other. When they interview a celebrity, they also boost the relationship not only among the actors and actresses themselves but also with the audience. In every interview, they prove that actors and actresses are still human and that they also have their fare shares of troubles.
Finally, in what I have observed, they use our language in a positive tone.
Sure, maybe they’re insulting someone right now, but if you look at it they have no malice hidden behind that remark. Their harmless teasing is only intended to make everyone laugh including the victim. This also show a sign of friendship and acceptance since teasing is only bearable if you know each other well enough to know that he or she is joking and that person has nothing against you. Even when the show tackles the topic of the current events, for example a storm hit and devastated the Philippines, they are able to even make a skit about it in a hilarious manner. It is only in the Philippines that I see people still laughing even if there is a disaster nearby, only proving that we really are jolly persons.
Comparing this show to other shows, I would say that this differs from them because this show is not scripted, and because this is not scripted they are more prone to bloopers, which would deliver a more original sense of humor. Unlike bubble gang that is more skits oriented, this show incorporates more of a real life agenda. Meaning that what happens to them is definitely possible in real life.
I believe that this show captures the social side of Filipinos.
If you have never watched this show nor heard of it, then I advise that you switch your television on this Saturday night. You’re definitely missing a lot. This lighthearted variety show makes anyone laugh, and I assure you that no matter how stonehearted you are, you will definitely laugh at this one.
Blog Entri #5
ni Samuel G. Lubi
Sa aking pagsusuri ng mga blog site, napili ko ang ikatlong grupo na gagamiting paksa para sa huling blog entri ng klase. Hindi madali ang pagpili ng grupong ikrikritika dahil alam mong sa pagkrikritik mo ay may matatamaan ka, kaya napili ko ang ikatlong grupo dahil halos lahat sila ay malalapit sa akin at sa tingin ko ay maluwag naman nilang matatanggap ang aking opinion batay sa kanilang blog.
Una kong pagtutuunan ng pansin ang panlabas na imahe ng kanila site. Sa tingin ko ay maayos naman ang kanilang pagkakapresenta ng kanilang blog, maayos at naorganisa ang bawat paksa at halatang hindi ito basta-basta, ngunit may napansin lamang akong ilang problema na sa tingin ko ay makakasagabal sa mga mababasa. Isa sa aking napuna ay ang pagiging maliwanag ng kanilang background. Masyado itong maputi na kung saan dumating sa punto na nakakasakit sa mata at dahil dito unti-unting mararamdaman ang pagkaantok. Isa pa rito ay ang pagiging limitado ng mga larawan at palamuti na maglalarawan sa grupo na sa tingin ko ay magdadagdag ng buhay sa blog site.
Sa panloob na pagsusuri, ginamit ko bilang paksa ang mga idolo ng bawat miyembro ng grupo sa mga artista sa lokal na showbiz. Napansin ko na ang bawat pagpili nila sa mga idolo ay maihahambing na agad sa sarili nilang panlasa, personalidad at identidad. Ang pagpili nila ng mga idolo ay may iba't ibang rason. Sa aking pagsusuri, ang isang rason ay dahil ito ay sumasalamin sa kanilang sarili at personalidad. Mapapansin na karamihan sa ating mga Pinoy ay may idolo na maihahambing natin ang ating sarili sa kanila - hinahanapan ng pagkakapareho sa panlabas at panloob na kaanyuan. Ang iba naman dahilan ay ang pagiging angkop ng mga ito sa kanilang panlasa. Ang rason sa pagiging idolo nila sa mga ito ay dahil may ilang mga katangian na kaayaya sa artista na sa tingin ko ay isang mababaw na dahilan sa pagpili ng idolo.
Isa pa sa aking napansin ay ang masyado nilang inilapit ang kanilang sarili sa mga artista. Wari bang kilalang-kilala na nila ang mga ito kahit alam naman nating sa telebisyon o sa internet lang natin sila nasasaksihan. Maaari sigurong itong tanggapin kung naging personal nilang kaibaigan dahil dun lang naman natin makikilala ang totoong personalidad ng isang tao. Bagamat ipinaliwang nila ito na halos kakilala na nila ng lubausan, may naging mabuting dulot din naman ito para sa mambabasa. Ito ay nagbigay ng aliw sa mga mambabasa dahil nararamdaman din nila na nagiging malapit na rin sila sa artista. Isa pa rito ay naging interesanteng basahin ang kanilang mga paksa dahil nga sa paglalapit nila sa buhay ng artista. Ang ibang mambabasa ay madaling nakakarelate at madali nilang naiintindihan ang paksa dahil sa mga ito, ang kaso lamang ay hindi tayo sigurado kung yun nga ang kanilang totoong personalidad.
Hindi naging madali ang aking pagkrikritik. Base sa aking naranasan, naramdaman ko ang kaunting pangamba na baka hindi nila matanggap ang aking pananaw. Ngunit sa pagkrikritik na ito, marami rin akong natutunan, una na rito ay ang pagiging fair mo sa pagtingin sa nilalaman. Hindi ka dapat bias at hindi ka dapat natatakot na sabihin ang iyong punto. Alam ko namang ito ay makakatulong din sa pagiimprove ng miyembro grupo na kung saan maari din magamit sa hinaharap.
TV PATROL (pagsusuri sa wika)
Nikki Gil
ni Melo Sabitsana
Kung ako ay tatanungin kung sino sa tingin ko ay ang, “perfect girl” sa tingin ko ito ay wala ng iba kundi si, Nikki Gil.
Si Nikki Gil ay isang magaling at dedicated na actress, host, at singer. Sabi saakin ng kaibigan ko, na kabatch ni Nikki noong high school sa Shekinah Christian Training Center, na si Nikki ay grumaduate na valedictorian ng kanyang batch, at siya sa kasalukuyan ay nag-aaral sa Ateneo de Manila University.
Una ko nakita at narinig si Nikki sa commercial niya ng Coca-Cola, at simula dito ay dahan-dahan na akong nahulog sakanya. Sino ba naman may akalang dahil sa 30 segundong commercial niya na ito ay ang magiging stepping stone niya para maabot ang kanyang hawak na kasikatan ngayon? Pagkatapos ng commercial na ito ay sunod-sunod na siya kinuha ng maririnig ang boses niya sa jingles ng iba’t ibang mga brands sa parehas radyo at telebisyon. Siya ay Ngayon ay makikita na din si Nikki sa iba’t ibang commercials at mga endorsements tulad ng Avon, Sunsilk, Penshoppe, Smart, Vicky Belo, Disney Channel Asia, Vaseline, Happee Toothpaste, at marami pang iba. Siya rin ay naglabas ng self-titled album kung saan kasama dito ang mga sinulat niyang kanta tulad ng Sakayan ng Jeep at ng Glowing Inside. Simula noong 2005 ay lagi na siyang kinukuha bilang isang host sa mga palabas tulad ng extra challenge, ASAP, MRS (Most Requested Show), Pinoy Dream Academy, Wowowee, High School Musical Around the World, at marami pang iba. Siya rin ngayon ay isang VJ sa myx channel, masasabi ko na siya lang rin talaga ang rason kung bakit masarap manood ng myx. Hindi lang local star itong si Nikki Gil, dahil noong 2006 ay kasama din siya sa asian version ng Breaking Free, na sumikat sa kilalang palabas na, High School Musical. At noong 2007 ay kasama siya ulit sa Walt Disney Records Asia sa pagkanta niya ng Gotta Go My Own Way na asian version. Siya ay nagwagi sa 3rd ASAP Platinum Circles Award dahil sa kanyang album na High School Musical 2 at Hotsilog. Ngayon ay kasapi na si Nikki sa Star Magic ng ABS-CBN. At dahil sa Philippine soundtrack niya ng High School Musical 2 ay tinagurian siya bilang Asian Girl Superstar.
Para sakin, si Nikki Gil ay ang klase ng babae na hindi ka magdadalawang isip na ipakilala sa magulang at sa pamilya mo. Siya ay ang masasabi kong isang magandang halimbawa ng dalagang Pilipina. Hindi siya kagaya ng stereotype na “maganda” ng ating bansa na dapat maputi, sexy, at iba pa. Maaakit ka sa galing niya sa pagkanta at sa nakakamatay niyang mga mata at ngiti. Naalala ko pa dati noong nanood kami ng concert niya sa 19east, na matatagpuan malapit sa sucat exit ng slex, muntik pa kaming di matuloy kasi ang entrance fee ay 500 pesos at hindi pa ito consumable at wala man lang libre kahit isang beer. Pero dahil gusto ko talagang manood ay binayaran ko pa ang tig kalahati ng 3 ko na kasama. Sulit din ang binayad ko, na kahit nakakahiya dahil sa may bandang harapan pa nakaupo at tila kaming 4 lang ang di ata kilala ni Nikki doon, dahil iba talaga pag live at kakaiba lang talaga si Nikki. Nagustuhan ko ang lahat ng mga kinanta niya, pero nung kinanta niya ang cover na, Don’t Know Why ni Norah Jones, ay di ko lang alam kung sa alak lang ba yun, ay literal parang natutunaw ako sa inuupuan ko. At sa dulo nung pangalawang set niya ay kinausap pa niya ako, ang sabi niya ay “uhm, excuse me..” Di ko napansin na nakatulala na pala ako sa kanya at nakaharang pala ako sa pupuntahan niyang katabi namin na table na puro mga kamag-anak niya. Pagkatapos ng pangyayaring yun ay wala na, nahulog na ko sakanya talaga at araw-araw ko nang minamatahan ang listahan ng mga tutugtog sa 19east para mapanood siya ulit ng live.
Kaya sa tingin ko ay masyadong underrated si Nikki Gil, sino pa ba ang masasabing katumbas niya ngayon? Na kaparehas ko lang na edad ay andami nang nagawa at nakamit sa kanyang buhay. Siya dapat, sa tingin ko, ay ang iniidolo ng mga tao, hindi lang dahil sa mga nagawa niya sa industriya ng music at pelikula, kundi dahil sa pangkalahatan na pinapakita niya.
Jolina Magdangal by de Leon
Nagtagal sa showbiz sa loob ng labinlimang taon, si Jolina Magdangal ay isa na ngayong matagumpay na aktres at negosyante. Siya ay unang sumikat sa Ang TV bilang isang mang-aawit. Sa edad na dalawampu ay nakapagtanghal na siya sa sampung concerts at nagkaroon na ng walumpung live performances sa loob at labas ng bansa. Marami rin siyang TV shows na tunay na sinubaybayan at tinangkilik ng masa tulad ng Labs ko si Babes, Arriba Arriba at I Luv NY. Kasabay nito ay may mga pelikula rin na kanyang pinagbidahan tulad ng Ouija na ipinalabas kailan lang kung saan nakasama din niya ang aktres na si Judy Ann Santos. At siyempre ay marami siyang albums na pinalabas – Jolina, Red Alert: All Dance Remix, Panaginip Platinum Collection, Forever at The Jolina Magdangal Anthology. Bukod dito ay nakilala rin si Jolina Magdangal dahil sa kanyang pagiging fashionista. Sa kabila ng pagbabansag sa kanyang pananamit bilang jologs, hindi pa rin maipagkakaila na ito ang naging dahilan ng kanyang pagiging iba sa mga artista sa showbiz at patunay lamang ito sa kanyang kasikatan.
Si Jolina Magdangal ay nagkamit na rin ng mga sari-saring parangal hindi lamang mula sa larangan ng show business kundi mula rin sa iba’t ibang organisasyon – Gintong Kabataan Awardee - Presidential Youth Development Council, Young Achiever Awardee - Foundation For Gifted Children, Gawad KKK Awardee (Outstanding Youth in the Field of Entertainment) - Kabataang Sama-samang Naglilingkod Sa Bayan (KASAMA) at Outstanding Citizen Awardee - Province of Bulacan. Nagkamit siya ng mga ito dahil sa pagiging mabuting modelo niya sa mga kabataan. Si Jolina Magdangal ay mayroong “good girl image” mula pa ng lumabas siya sa Ang TV at hindi na ito nawala kahit noong magkaroon na siya ng love team. Bago ipalabas ang TV Series na I Luv NY, nabanggit ni Marvin Agustin sa isang interview sa isang talk show na hindi nagpapahalik si Jolina. Napaka-wholesome ni Jolina na maski ang mga intrigang kinasasangkutan niya ay hindi yaong mga nakasasama sa kanyang imahe. Ilan lamang sa mga kontrobersyang kinasangkutan ni Jolina ay yaong tampuhan sa pagitan ng mga nanay nila ni Rica Peralejo at yaong hindi na siya muling nag-renew ng kontrata sa ABS-CBN.
Ang kasikatan ni Jolina ay hindi lang dahil sa kanyang talento kundi dahil na rin sa mismong personalidad niya bilang isang indibidwal na nakikita naman ng lahat ng taong nakakapanood sa kanya. Ito na rin ang dahilan kung bakit mahal siya at patuloy na sinusuportahan ng kanyang mga taga-hanga. Si Jolina ay magaling na aktres mapa-drama man o komedya. Siya ay isang mang-aawit at marunong din siyang sumayaw. Isa siyang tunay na entertainer. Sa kabila nito, ang tunay na dahilan kung bakit napalapit siya sa puso ng kanyang mga fans ay dahil isa siyang transparent na tao. Katulad na rin ng sinabi niya sa isang interview sa Philippine Post Magazine, pagdating kay Jolina Magdangal “what you see is what you get”. Mapagexperimento man siya sa kanyang pananamit ay totoong simple pa rin talaga siya.
Ang kasikatan ni Jolina ay napatutunayan, una sa panggagaya sa kanyang fashion. Nauso ang mga butterfly clips noon at fake dyed hair. Mayroong ding mga Jolina dolls na inilabas at ibinenta sa mga malls dahil si Jolina ay parang isang walking doll na pabago-bago ang damit sa bawat pagtatanghal niya. Ang mga tumangkilik sa mga pananamit ni Jolens ay tinatawag na jologs – Jolina Organization kung ipaliwanag ang kahulugan. Hindi naman negatibong maituturing talaga ang pagkakaroon ng terminong jologs. Para sa iba ang jologs ay pagiging baduy pero ito ay tawag lamang sa mga gumagaya kay Jolina dahil kapag si Jolina naman ang nagbibihis ayon sa kanyang fashion ay maayos naman ang itsura at tunay na kaya niyang dalhin. Ang salitang jologs ay patunay lamang na nakaapekto si Jolina sa lipunan. Ito ay tumatak na sa kulturang Pinoy na hanggang ngayon ginagamit pa rin ang salitang jologs. At siyempre si Jolina ay patuloy pa rin sa pagbibihis sa sarili niyang fashion statement bagamat hindi na siya nananamit tulad ng dati.
Pangalawa, si Jolina ay tunay na magaling na singer. Ang mga album niya ay nagkamit ng mga platinum awards. At siyempre hanggang ngayon ay patuloy pa rin siya sa pagkanta. Ang kanta sa pinaka bagong Christmas special advertisement ng GMA ay kinanta ni Jolina. Madami rin siyang pinasikat na soundtrack tulad ng sa Flames the movie. Siya rin ang kumanta ng soundtrack ng koreanovela na Kim Sam Soon, ang Maybe It’s You.
Pangatlo, ang mga TV shows ni Jolens ay nakakakuha ng mga matataas na rating. Isa ay ang Gimik kung saan katambal niya si Onemig Bondoc at nakasama niya si Judy Ann Santos. Ganundin naman sa Labs ko si Babe kung saan nakatambal naman niya si Marvin Agustin. At siyempre sa muling pagsasama nila ni Marvin sa I Luv NY ay nakakuha nanaman ang kanyang show ng mataas na rating. Walang pinag-iba sa pelikula, ang pinakahuli niyang horror movie kasama si Juday, ang Ouija, ay inabangan at pinanood ng maraming tao.
Pang-apat, si Jolens ay isa ring magaling na product endorser na maraming kompanya rin ang kumukuha sa kanya bilang commercial model. Maalalang siya rin ang nag-endorse sa AMA Computer College nung bago pa lang itong nagsisimula. Mayroon siyang commercial sa halos lahat na ng uri ng produkto maging pagkain man ito, sabon o serbisyo.
Si Jolina Magdangal ngayon ay isa ng batikang artistang maituturing. Sa tagal niya sa industriya ng show business ay marami na siyang pinagdaanan. Sa kabila nito sinabi niya sa isang panayam sa Manila Standard Today, “Kulang pa ang mga nangyari sa akin as compared sa ibang artista. I told a small percent of my life story in Magpakailanman. Hanggang doon na lang because I know that many more things will happen. Hindi pa time to put it all out. My life is not as open as many people in the business. May nire-reserve pa rin ako for myself”. Ngayon ay stable ang kanyang career at kasalukuyan siyang nananahan sa GMA. Siya na ay isang matured na artista.
Robinhood Fernando Carino Padilla
ni Samuel Lubi
Masugid akong taga-hanga ni Robinhood Fernando Carino Padilla. Bata pa lamang ako ay sinusubaybayan ko na ang kanyang mga palabas. Hindi ko maitatago sa aking sarili na siya ang aking iniidolo lalo na nung aking kabataan, dahil bawat galaw niya ay talagang nakakahumaling gayahin. Si Robin ay tinaguriang "Bad-boy ng Philippine action movies". Ito ay kinuha sa palabas niyang Bad boy at karamihan na nga sa bawat ginagampanan niyang karakter ay may ugali ng bad boy, kaya ito ay ibinansag na sa kanya. Ang isa sa mga pinakapaborito kong palabas na pangunahing karakter si Robin ay ang palabas na "Mistah". Ipinakita dito ang pagiging matapang o mandirigma na naglalarawan sa mga sundalong Pilipino at sinasabi na may sariling kakayahan ipaglaban ang tama at inilalarawan ang ugali ng mga Pinoy na may katapatan sa kanyang bansa. Kung tutuusin, napakaraming leksyon ang matututunan kung ating ikikritisays ang palabas na ito. Ipinakita rin dito ang pagkakaroon ng pagkakaisa at matibay na pagkakaibigan.
Nakalulungkot isipin na siya ay napariwara noong nakilipas na panahon. Siya ay nakulong sa kadahilanang ng paglabag sa batas. Nakulong siya dahil sa salang illegal possesion of fire-arms. Nagtagal siya sa bilangguan ng mga pito o walong taon. nakalulungkot mang isipin pero sa tingin ko ay ganon talaga ang pagsubok ng buhay. Matapos ang pagkakabilanggo, siya ay kinilala ulit ng masa bilang bagong Robin na maituturing ng "Good Boy". Muli siyang bumaling sa mundo ng showbiz at gumawa ng mga palabas na sa tingin ko ay hindi na Bad Boy ang kanyang ginagampanang karakter at sa halip ay isang romantikong lalaki na may katuwang na magandang binibini. Dito umangat muli ang pagtingin ng tao kay Robin Padilla. Nag-iba man ang role niya sa mga palabas, siya pa rin ay aking inidolo at patuloy na sinubaybayan.
Si Robin ay isang icon na talagang kahanga-hanga. Kahit na nagkaroon siya ng maraming isyu noong mga nakaraang panahon, hindi pa rin maiaalis ang kanyan katanyagan sa pag-arte. Kaya nga naman hanggang ngayon ay patok pa rin siya sa industriya ng shobiz. Si robin sa tingin ko ay dapat talagang parangalan ng tao dahil sa giling niya sa pagarte; dahil sa malaking pinagbago ng kanyang ugali pagkatapos makulong at dahil napagiisa niya ang muslim at ang mga katoliko sa ating bansa. Siya lamang kasi ang sikat na Pilipinong muslim na kung saan nai-alis niya ang diskrimination sa mga muslim. Ngayon si Robin ay talagang maipagmamalaki ng bawat masang Pilipino kaya nga naman siya ang aking paboritong aktor sa mundo ng showbiz.
Lloydy
Blog entry # 3
Maria Carmina Baron
Kapamilya ka man o kapuso, sigurado ako na kilalang kilala mo si John Lloyd Cruz. Kilala na talaga si John lloyd hindi lamang bilang kapareha ni Bea Alonzo ngunit kilala siya dahil sa husay niya sa pag-arte.
Taong 1996 nang una siyang lumabas sa isang pelikula, ngunit hindi bilang isang bida, Taong 1998 naman nang lumabas siya sa pelikulang “mahal na kung mahal” kung saan kasabayan pa niya noon sina Baron Geisler at Mark Solis na minsan niyang nakasama sa isang grupong tinatawag na “koolits”. Malayo-layo na rin ang narating ni John Lloyd Cruz mula dito.
Isa sa mga dahilan kung bakit pinili ko si John Lloyd bilang subject ng aking blog ay dahil sa “versatility” na mayroon siya pagdating sa pag-arte. Kung ikukumpara sa ibang artista, para sa akin, mas maraming kayang gawin si John Lloyd kaysa sa kanila. Halimbawa na lamang si Piolo Pascual, bagamat napakagaling niyang artista na kayang pagtibayan ng maraming parangal na kanyang natanggap ay mas bilib pa rin ako kay John Lloyd. Hindi lamang siya magaling sa drama, marunong din siya sa comedy. Sa katunayan, mas kaya niyang magdala ng eksenang kinakailangan ng comedy kung ikukumpara kay Piolo.
Hindi yata lumilipas ang isang taon nang walang mga proyektong ginagawa si John Lloyd, mapapelikula o teleserye. Ang pinakamalaking break na sigurong natanggap niya ay ang teleseryeng pinagbidahan niya kasama si Bea Alonzo sa kauna-unahang pagkakataon, ang “Kay tagal kang hinintay”, bagamat hindi naman ito ang kanyang unang teleserye dahil lumabas na rin siya sa youth-oriented show na “Tabing Ilog” ay ito ang naglunsad sa kanya bilang isang tunay na actor. Pumatok din kasi sa masa ang tambalan nila ni Bea. Simula dito ay hindi na natapos ang mga proyektong ibinibigay sa kanya. Sa ngayon ay ginagampanan niya ang papel ni Armando Solis sa teleseryeng Betty la Fea, na muli, ay katambal niya si Bea Alonzo. Ngunit, ang tagumpay na ito ni John Lloyd ay hindi lamang nakasalalay sa tambalan nila ni Bea Alonzo, hindi katulad ng ibang mga actor ngayon. Nagtatagumpay siya kahit sino pa man ang katamabal niya. Katulad na lamang ng “A very special love” na pinagtambalan nila ni Sarah Geronimo. Ilang linggo rin itong tumagal sa mga sinehan dahil tunay na tinangkilik ito ng maraming tao.
Siguro ay isa pa sa mga dahilan kung bakit hindi pinagsasawaan ng mga tao si John Lloyd ay dahil hindi siya “pretty boy”, hindi siya ganoon kagwapo ngunit mayroon siyang mukha na pwede sa kahit anumang genre ng pelikula. Pwede siyang maging maangas, mabait, nerd, mayaman, mahirap, baliw at kung anu-ano pa. Kaya niyang baguhin ang itsura niya depende sa sitwasyon na kinakailangan. Kelan nga lamang ay gumanap siya bilang isang asawa ni Alessandra de Rossi na may sakit na schizophrenia. Nakakadala ang naging pag-arte niya, mapapaniwala ka talaga na tinamaan talaga siya ng sakit sa utak.
Mabenta rin siya bilang isang commercial model, sa pagkain, sa shampoo, sa gamot, malaki ang tulong ni John Lloyd sa mga advertisers sa pagbebenta ng mga produkto.
Maingat rin si John Lloyd pag dating sa pagaalaga ng kanyang imahe. Sa tinagal-tagal niya sa industriya ng showbiz ay madalang na may lumalabas na mga intriga tungkol sa kanya na makaksira ng kanyang imahe. Siguro ay isa rin ito sa mga dahilan kugn kaya’t nagtatagal ang kanyang career. Nakikita ko na tatagal pa ang career ni John Lloyd Cruz.
Ang iba’t ibang mukha ni Claudine Barretto
Sino nga bang Pilipino ang hindi makakilala sa sikat na sikat na si Claudine Barretto? Maaring ikaw ay isang “die-hard fan” ni Ms. Claudine at inumpisahan mo siyang sinubaybayan mula pagkabata sa “Ang Tv”. Napakalayo na nga talaga ng narrating ni Claudine magmula na siyang nagartista. Isa na siya ay bumibilang sa mga pinakamagagaling at pinakatanyag na artista sa Pilipinas.
Ano nga ba ang imahen ni Claudine sa mga manunuod at kanyang mga tagahanga? Sa tinagal tagal niya sa industriya ng pelikula at pag-arte, ano nga ba ang naipaparating ni Claudine sa mga Pilipino? Sa dinami dami ng mga ginampanan niyang papel sa kanyang pagtatanghal. Kabilang dito ang kanyang pagiging tweetums at rebelde sa panahon ng kanyang pagdadalaga. Isinabak din siya sa komedya sa mga palabas tulad ng “Home along the Riles” at “Oki Doki Dok”. Napakaraming pelikulang love story ang tema ang kanyang tinampukan tulad ng “Got 2 Believe” at “Muntik na kitang Minahal”. Isinalang din siya sa mga mahihirap na roles tulad ng role niya sa “Dubai” at “Milan” na talagang nagpaiyak sa marami. Napakarami na din talagang mga teleserye ang kanyang tinampukan na sinusubaybayan ng mga Pilipino tulad ng “Mula sa Puso” at ang fantaseryeng “Marina”. At kamakilan lang ay gumanap din siya sa mga horror na palabas, “Maligno” at “Sukob”. Kabilang sa kanyang mga naging kaloveteam sina Rico Yan, Piolo Pascual, Aga Mulach, Diether Ocampo at Gabby Conception. Patuloy si Claudine sa pagganap ng iba’t ibang mga roles sa pelikula at telebisyon.
Talagang napakarami ng mga papel ang ginampanan ni Claudine kaya’t masasabi kong napakagaling niyang artista. Ngunit sa kalahatan aking napansin na napakalakas ng imahen na ginagampanan ni Claudine. Nakita natin siyang madapa at maapi ngunit madalas ay lumalabas ang kanyang tapang, bumabangon at nalalampasan ang mga paghihirap na ito. Sinasalamin ni Claudine ang mga kababaihan ng ating bansa. Tulad ng mga ordinaryong Pilipina, nakakaranas ng kahirapan, diskriminasyon at pang-aapi ngunit lumalaban parin at nagsusumikap. Nakita natin si Claudine sa pagganap niya sa kanyang kahinaan at kanyang kalakasan. Maaring may mga pagkakataon na siya’y napapahirapan at nagkakamali ngunit mahusay niya itong nalalagpasan. Ngunit kahit pa masasabi kong palaban ang imahen ni Claudine ay hindi parin talaga mawawala sa Pilipinang karakter ng pelikula ang pagiging “inferior” sa mga lalake. Masasabi kong kahit kakaiba ang imahen na ipinararating ni Claudine ay ang kaligayahan, paghihirap at pag-asenso ng kanyang karakter ay dumedepende parin sa mga lalake o kanyang mga kaloveteam. Ipinapakita din ng imahen ni Claudine ang diskriminasyon sa mga babae sa ating bansa sa trabaho man o sa pamilya at lipunan. Maaring hindi ito magandang balita para sa mga kababaihan ngunit napakaganda ang kanyang naipakita dahil sinalamin niya ang katotohanan sa lipunan na ginagalawan natin bilang mga Pilipino ngayon.
Kahit sa labas ng pelikula at industriya ng showbiz, makikita natin na naipapahayag parin niya ang imahen na ito. Sa pakikitungo sa kanyang pamilya na kahit minsan ay magulo, nalagpasan ito ng Claudine na maayos. Sa ngayon ay patuloy niyang ginagampanan ng mabuti ang kanyang pagiging mabuting asawa at maalagang ina.
Matapang at malakas si Claudine bilang isang Pilipina, ito ang mensaheng nais iparating ng imahen ni Claudine. Maaring napakaraming “flaws” bilang isang Pilipina ang kanyang nagagamapanan bilang isang aktres ngunit sakabila nito’y mahusay niyang nagampanan ang mga katangian na kakaiba at tanging tayo bilang mga Pilipina lamang ang mayroon.
Gary V., after 25 years
blog entry #3 by Helendary of Espinosa haha!
Si Gary V. ay nagsimulang kumanta noong 1983. Nang mga panahong iyon, si Martin Nievera pa ang sikat na sikat sa mga tao. Naalala ko sa isang interview kay Gary V. ilang taon na ang nakakaraan, sinabi niyang si Martin Nievera ang kanyang idolo at tinitingala nang siya ay nagsisimula pa lang sa kanyang pagkanta.
Nakilala at sumikat si Gary sa kanyang walang humpay na pagsayaw habang kumakanta. Binansagan siyang "Mr. Pure energy" dahil sa walang kapagurang pagsayaw. Kahit pa may edad na siya ngayon at may sakit na diabetes, hindi ito naging hadlang para gawin nito ang kanyang gusto.
Hindi tulad ng ibang artista/mang-aawit na hindi umaasenso ang talento, si Gary ay napatunayang maraming ginagawa at pinag-aaralan para sa kanyang trabaho. Kailangang maging versatile ang isang tao upang manatili sa industriya ng showbiz; kailangan palaging may bagong maipapakita upang hindi magsawa ang mga tao. Maraming mang-aawit ang sumikat at agad ding lumaos dahil tanging pagkanta lamang ang kayang gawin (mga 1-hit wonder kung tawagin), habang ang ibang artista naman ay sumikat dahil sa isang pelikula (at naging tanging pelikula nila dahil hindi na nasundan pa) at hindi na nasilayan pang muli dahil hitsura lamang ang mayroon sila at pagdating sa pag-arte ay wala na silang maipakita.
Kaakibat ng pagsikat ni Gary V. ang kanyang pagiging mabuting tao. Malaking epekto ang pagiging relihiyoso ng isang tao sa paningin ng ibang tao, aminin man natin o hindi. Si Gary V. ay kilalang relihiyoso kung saan nag-revive siya ng mga Christian songs ("Revive" album ay puro Christian songs ang laman tulad ng Warrior is a child, We are the reason, atbp.). Maganda ang imahe ni Gary V. sa paningin ng mga tao dahil relihiyoso siya, "may takot sa Diyos" ika-nga nila.
Mga middle class ang kadalasang nagiging tagahanga ni Gary V., hindi siya masasabing baduy dahil siya ay Lasalista, at kahit pa may mga Filipino songs siya, hindi mo maririnig na may magsasabing baduy ito dahil sumikat ito at marami ang nag-revive ng kanyang mga kanta. Bukod dito, may kaya ang kanyang pamilya kahit pa hindi ito sumabak sa showbiz.
Very indemand si Gary V. sa mga tao kung kaya naman hindi siya nalalaos kahit 25 taon na siya sa industriya ng showbiz. Bihira na lang sa panahon ngayon ang artistang nananatiling sikat makaraan ang ilang dekada. Hindi tulad ni Martin Nievera na bagama't naunang sumikat sa kanya ay nauna ring lumaos dahil sa pambababae at ilang isyung kinasangkutan ng kanyang Ama, si Gary V. ay nananatiling sikat dahil sa imaheng ipinapakita niya bilang isang responsableng ama, tapat na asawa, masunuring anak at magaling na artista sa publiko.
Kahit pa may edad na si Gary V. ngayon, tinatangkilik pa rin siya ng mga tao. At oras na siya'y magretiro, nariyan ang kanyang mga anak na nagmana sa kanyang mga talento.
BOXING CONTROVERSIAL
ni Melo Sabitsana
Dahil nawawala ang assigned na reading ko sa xerox, ako ay nagpaalam at pinayagan ako sumulat na lang ng tungkol sa boxing.
Ang sport na Boxing, o kilala rin sa mga tawag na Plugilism o ang “Sweet Science” ay tinatangkilik na rin ng maraming mga Pilipino. Tinataya na ang Boxing ay nagsimula sa Greece o Roma. Manu-mano ang labanan at ang kanilang mga hubad na kamao lamang ang kanilang ginagamit. Dahil kay Jack Boughton, na nakilala bilang “Father of Boxing” pagkatapos mapatay niya ang kanyang kalaban sa isa niyang laban, dinebelop ang mga tuntunin at regulation ng boxing bilang isang laro. Dagdag pa dito ay, “Sport involving attack and defense with the fists. In the modern sport, boxers wear padded gloves and fight bouts of up to 12 three-minute rounds in a roped-off square known as the ring. In ancient Greece fighters used leather thongs on their hands and forearms, while in Rome gladiators used metal-studded leather hand coverings (cesti) and usually fought to the death. Not until implementation of the London Prize Ring rules in 1839 were kicking, gouging, butting, biting, and blows below the belt eliminated from the boxer's standard repertoire. In 1867 the Queensberry rules called for the wearing of gloves, though bare-knuckle boxing continued into the late 1880s. The last of the great bare-knuckle fighters was John L. Sullivan. From Sullivan on, the U.S. became the premier boxing venue, partly because immigrants supplied a constantly renewed pool of boxers. Boxing has been included among the Olympic Games since 1904. Today there are 17 primary weight classes in professional boxing: strawweight, to 105 lbs (48 kg); junior flyweight, to 108 lbs (49 kg); flyweight, to 112 lbs (51 kg); junior bantamweight, to 115 lbs (52 kg); bantamweight, to 118 lbs (53.5 kg); junior featherweight, to 122 lbs (55 kg); featherweight, to 126 lbs (57 kg); junior lightweight, to 130 lbs (59 kg); lightweight, to 135 lbs (61 kg); junior welterweight, 140 lbs (63.5 kg); welterweight, to 147 lbs (67 kg); junior middleweight, 154 lbs (70 kg); middleweight, to 160 lbs (72.5 kg); super middleweight, 168 lbs (76 kg); light heavyweight, to 175 lbs (79 kg); cruiserweight, 190 lbs (86 kg); and heavyweight, over 190 lbs. A bout can be won either by knocking out or felling one's opponent for a count of 10 (a KO) or by delivering the most solid blows and thus amassing the most points. The referee can also stop the fight when one boxer is being badly beaten (a technical knockout, or TKO) or he can disqualify a fighter for rules violations and award the fight to his opponent.” (http://www.answers.com/topic/boxing)
Naalala ko pa dati nung Niyaya ako ng isa ko na kaibigan pumunta at subukan ang Elorde gym, na matatagpuan along Sucat road, dahil nabalitaan niya sa kanyang ate na magandang ensayo daw ito. Kaya kami ay tumuloy at sa pagdating namin sa gym, sinubok ko agad, kasama ang iba pang mga miyembro ng nasabing gym, ang mga pagsasanay na pinapagawa ng trainer dun, nagsimula sa stretching, warm-ups, bagging, hanggat sa umakyat ako ng ring at nag punchmate. Nagustuhan ko agad ang pakiramdam at naisip ko na seryosohin at ituloy na ito. Pagkatapos ng mga isa’t kalahating taon ay inalok naman ako ng isa ko pang kaibigan na subukan at lumipat na sa Wild Card Gym, na isang branch ng unang Wild Card Gym sa texas, kung saan naging popular ito dahil sa isang boksingero na promoter nito. Si Manny Pacquiao.
Wala na sigurong hindi may kilala kay Manny Pacquiao sa buong Pilipinas. Tinatawag na siya ngayon bilang Pambansang Kamao sa bansa. Tinatagurian din ng mga tao si Manny Pacquiao bilang bayani. Sinabi ng nakaraan na Mayor ng Maynila na si Lito Atienza kasabay ng Araw ng Kalayaan noong 2006. Siya din ay isa sa mga iniidolo ng maraming tao, bata man o matanda, lalaki man o babae. Kahit nga sa iba’t ibang lugar sa mundo ay malaki ang bilib sa kanya dahil isa-isa niyang pinapatumba ang lahat ng gustong subukin ang kanyang abilidad. Emmanuel Dapidran Pacquiao o mas kilala sa buong mundo na Manny Pacquiao, ang kilabot ng mga Meksikano, Pac-Man, the Mexi-cutioner, the People’s Champ, at ang tinagurian na natin na “Pambansang Kamao”. Si Pacquiao ay isa sa mga nagbigay-inspirasyon sa mga taong bayan dahil sa kanyang pagpapakita ng kanyang galing sa loob at labas ng ring. Siya ang pinaka-unang nagkaroon ng 4 na championship belt na mula pa sa iba’t ibang weight division. Sa kasalukuyan, siya ay itinatanghal bilang isa sa mga, “world’s top KO artist”.
Pero ang boxing ba ngayon ay isang “sport” pa rin? O ito ba ngayon, kagaya din naman ng lahat ng mga bagay ngayon, ay nakaikot sa pera lang? Nawala na ba talaga ang tunay na esensya ng boxing? At ito ba ay parang sabong na lang kung saan ang mga boksingero ang sumasabak para din sa kapakanan at interes ng mga tao na humahawak sa kanila? Sa hirap nga naman ng buhay ngayon, maslalo na sa ating bansa, ay hindi maiiwasang isipin ang ganito. Isang malaking halimbawa nito ay ang susunod na laban sa pagitan ni Manny “Pacman” Pacquiao at ni Oscar “Golden Boy” Dela Hoya. Ang laban na ito ay masasabi ko na magiging pinaka-importanteng labanan para sa dalawang higante ng boxing. Dahil ito ay retiring fight ni Golden Boy, at ito naman ang pinakamabigat at pinaka “big time” na laban ni Pacman sa kanyang career. Pero kahit na di sang-ayon sila Games and Amusement Board (GAB) chairman Eric Buhain, at Opposition Rep. Rufus Rodriguez ng Cagayan de Oro City, at sinabi na “I think Manny has no chance of winning. Dela Hoya, who is five inches taller and who is five inches longer in reach than our boxing idol, will kill the smaller and lighter Manny". Ang sinasabi nilang five inches taller at five inches longer, para sa boxing, ay napakalaking partido para sa makakalaban ng ating pambansang kamao. Pero bakit nga ba payag si Manny dito? Ito ay dahil ay Pacquiao-Dela Hoya slugfest ay may inaasahang hindi bababa ng $100 million in total revenues, at magkakaroon si Manny ng atleast $15-$20 million mula sa laban pa lang mismo, di pa kasama ang kanyang mga sponsors, commercials, etc.. Napakalaking pera at paghahanda nga naman pala talaga ang kasama at kinakailangan dito, at sino ba naman ang di maaakit dito? Iwawakas ko ang blog entry na ito sa pagtanong, sa tingin mo ba ay may boxing pa ba talaga? O ito ba ay usapang pera lang ulit?
Isyung Beauty and Brains sa Kompetisyong Pambayan
“Beauty and Brains” ito ang sinasabi nilang batayan ng mga “beauty pageants” na natutunghayang natin sa ating bansa. Hanggang sa kamakailang Bb. Pilipinas na kompetisyon na kung saan nanalo si Janina San Miguel. Masasabi kong napakaganda ni San Miguel at pasadong pasado siya sa kategoryang “beauty” ngunit nang matunghayan natin ang sagot niya sa “question and answer portion” ng kompetisyon, di makakailang palpak na palpak siya dito, hindi lamang dahil sa bako bako niyang ingles ngunit dahil din sa hindi niya pagpapahayag ng wastong sagot sa tanong. Kung ang sagot niya ang babatayan sa “brains” na kategorya ngakompetisyon, paano siya nanalo? Maari nga bang puro kagandahang panlabas lamang ang tanging batayan ng kompetisyong ito?
Sa aking palagay, ang binibigyan pansin na lamang ng lipunan ay ang panlabas na anyo ng tao. Hindi ba’t unang tingin mo pa lamang sa tao ay panghuhusga na agad sa kanyang pananamit at kung anong hitsura niya ang iyong papansinin? Ganoon na din ang karamihan ng mga Pilipino ngayon. Kapag ika’y nagsuot ng maikling palda sa Pilipinas, ang iisipin ng mga Pilipino ay napakaliberated mo. O kaya’y kapag ika’y maganda ang agad na iniisip ay matalino at mabait na. Ngunit kung iisipin nating mabuti, wala namang koneksyon ang panlabas na anyo ng tao sa kalooban o pag-uugali ng indibidwal.
Napansin ko sa mga ganitong kompetisyon sa Pilipinas, maraming pagtatraidor sa kulturang sariling atin. Halimbawa na lamang ang sitwasyon ni San Miguel, maaring nahirapan lamang siya sa “language barrier” na nilikha ng kompetisyon dahil sa paggamit ng wikang ingles sa pagtatanong. Kahit pa sabihin natin na ang wikang ingles ay laganap na sa ating bansa, hindi naman lahat ng mga mamamayan nito ay magaling na sa paggamit nito. Kung sana’y Filipino ang wikang kanilang ginamit ay mas malayang maipapahayag ng mga kalahok sa kompetisyon ang kanilang saloobin dahil mas sanay ang mga ito sa kanilang sariling wika. Ang maaring pagkakamali naman ni San Miguel ay kahit pa pinayagan siya ng “host” na gumamit ng Filipino ay hindi niya ito ginamit dahil na din sa mentalidad na “kapag ingles, mas intelihente o mas propesyonal pakinggan” kahit pa barok ang ingles niya.
Marami pang di pagtangkilik sa ating kultura ang matutunghayan natin sa mga kompetisyong kagaya nito. Sa mga kasuotan ng mga kalahok pa lamang ay ebidensya na dayuhang dayuhan na ang dating nito sa mga Pilipino. Ang mga kalahok mismo ng kompetisyon ay produkto ng mentalidad ng mga Pilipinong makadayuhan ang basehan. Hindi ba’t kapag ika’y may malaporselanang balat maganda ka na agad sa tingin ng mga tao. O di kaya’y kapag matangos ang iyong ilong at mala asul o berde and mata’y kakaiba at maganda ka na sa mata ng Pilipino. Lalo pa kapag ang tangkad mo ay malamodelo sa taas. Ito ang basehan kung ika’y may potensyal maging “beauty queen”. Ngunit napansin at naitanong niyo na ba kung Pilipino pa nga ba ang mga kalahok dito? Sabagay, sino bang magsasabing maganda ka kapag ang ilong mo’y pango, ika’y pandak at kayumanggi ang iyong balat? Maganda ka dahil ika’y kakaiba at ito ang katangian ng tunay na Pilipina. Kung sana’y ito na lamang ang mentalidad ng mga Pilipino. Ngunit sa pagkakaalam ng mga nakakarami, ang may mga dayuhan na katangian lamang ang magaganda. Ano pa’t sinabi nilang representatibo ng Pilipinas ang mga beauty queens sa ibang bansa kung malinaw na malinaw na hindi Pilipino ang mga katangian nito. Masasabi kong naghahanap sila ng dayuhan sa sariling bayan upang isalamin sa buong mundo kung ano tayo bilang mga Pilipino, mga mapagpanggap.
Ang kompetisyong ito’y maaring sumalamin sa sitwasyon ng Pilipinas sa kasalukuyan. Tila iniidolo natin ang ibang bansa kaya’t lahat ay ginagaya na natin, mapadamit man o kagustuhan. Nagmistulang “in” ang pag iimport ng mga produktong dayuhan dahil sabi nga ng iba “basta’t imported, maganda”. Kaya’t patuloy natin itong tinatangkilik at pinapayaman. Ngunit hindi ba natin batid na maaring ang mga materyales na ginamit sa mga produktong dayuhan na ito ay kinukuha lang din naman sa ating bansa. Hindi ba’t parang bumili tayo ng sariling atin sa kanila? Atin ang mga resources ngunit sila ang nakikinabang. Maaring resulta ito ng malayang pagpasok at paglabas ng mga negosyong dayuhan sa ating bansa. Nililinlang tayo, tayo nama’y nakikisakay sa kanilang mga pakana. Habang ang mga produktong dayuhang ito ay kumikita ng malaki, ang mga lokal na negosyo naman ng Pilipinas ay natatalo at bumabagsak. Humahanga ako sa ipinatupad ng dating pangulong Carlos P. Garcia na “Filipino First Policy” na kung saan ang resulta nito’y pagtangkilik ng mga produktong gawa sa Pilipinas. Malaking hakbang ito sa pamahalaan at bansa dahil tinanggal natin ang mga koneksyon natin sa dayuhan. Pinilit nating tumayo sa sarili nating mga paa. Ipinatupad niya ang kaisipan na kapag kayang gawin ng Pilipinas, tayo ang gumawa at wag na umasa sa dayuhan. Tulad na lamang ng ibang mga maunlad na bansa ngayon sa asya. Ang mga tsino at mga hapones, maunlad sila dahil hangga’t kaya suportahan ng bansa ang pangangailangan nila hindi sila dumedepende sa ibang bansa. Ngunit sabi nga nila ang mga mgagandang bagay ay madaling mawala. Ngayo’y hindi na ito ipinapatupad ng pamahalaan at tila nasakop na tayo ng mga dayuhan. Kaliwa’t kanan ang mga produktong ibayo kahit pa hindi ganoon kaganda ang kalidad nito’y arya parin tayo sa pagbili at pagtangkilik dahil akala natin kapag tayo’y gumagamit ng mga ito’y tumataas ang estado sa lipunan.
Nagmistulang gaya gaya na tayo sa halos lahat ng bagay. Sa mga teleserye pa lamang at iba pang programang pangtelebisyon ay may “filipino version” na ng mga dayuhang mga palabas. Narinig mo na ba ang patok na patok ngayon ng tinagalog na dayuhang kanta? O di kaya’y namili ka na ng mga usong uso na mga damit na hango sa mga kasuotan ng mga tiga Hollywood? Bakit ba tayo nakokontento sa gaya-gaya kung kaya naman natin tumbasan ito ng tunay na gawang Pinoy? Nasaan na ang noo’y ipinagmamalaki nating pagiging malikhain at madiskarte? Sumuko na ba tayo sa mga dayuhan sa kompetisyong ng kagalingan? Maaring dahil sa mentalidad na balibaliko ng mga Pilipino kaya’t mahirap na tayong makawala sa tila pangaalipin na pagsunod sunod at pagbuntot sa mga bayan ng iba.
Sanggunian:
Interview Portion sa Beauty Pageant at Katawang Kapital