Posted by
group4filculm
In:
Fiesta Mall, Lipa
By Samuel G. Lubi
Mula pa nung pagkabata, nakagawian na ng aming pamilya ang pagbisita sa mall pagkakatapos magsimba. Ang pagpunta sa mall ay naging parte na ng aming buhay dahil ito ay tumulong rin magbuklod sa aming pamilya. Sa katunayan, nung aking kabataan, hindi talaga ako palasimba dahil naiinip lang akong maghintay at hindi ko rin naman gaano naiintindihan pa ang silbi ng misa. Ngunit nung itayo ang unang mall sa aming probinsya (Fiesta Mall, Lipa), ako ay naging aktibo sa pagsama sa aking mga magulang sa pagsisimba sa kadahilanan na pupunta daw kami sa mall pagkatapos magsimba. Ang pagpunta sa mall ang ginamit na instrumento ng aking mga magulang para mapilit kaming magkakapatid na magsimba, at hindi rin nagtagal, nakagawian ko na rin ang pag-attend ng misa.
Ang Fiesta Mall ay sumikat noong panahon na ako’y nasa elementarya. Maraming tao ang nagpupunta dito dahil ito ay pumatok sa mga Lipeňo. Ito ay sumikat din dahil ito pa lamang ang kauna-unahang mall sa Lipa. Kahit na alanganin ang puwesto ng mall na ito, sa kadahilanang ito ay medyo tago sa publiko, marami pa rin ang naeenganyong mag-punta dito.
Naging madalas ang pagbisita ko at ng aking pamilya sa Fiesta Mall. Bukod sa pamamalengke ng nanay ko sa Shopwise, pumupunta rin kami dito para magkaroon ng libangan. Tuwang-tuwa ako pagpumupunta kami sa Fiesta Mall, ang pinaka-paborito kong puntahan noon ay ang lugar ng libangan. Kapag binigyan ako ng nanay ko ng pera, lagi akong nag-aarcade, na kung saan paborito kong nilalaro ang “Tekken 2” at “Street Fighter”; at halos mapudpod na ang aking mga daliri kapipindot dito. Pagkatapos nito ay diretso ako sa “bump-car”. Sobrang saya ko tuwing sasakay ako sa “bump-car”, lalo na pag-kasama ko ang aking mga kalaro sa bahay, Minsang naalala ko na pag-sumasakay ako sa “bump-car”, di ko maiwasang hindi ngumingiti at humalakhak, at habang nag-laon sa kakatawa; tumalsik ang laway ko dahil nabundol ako ng aking katabi. Pinagtawanan tuloy ako ng aking mga kalaro, at napahiya ako sa mga oras na iyon, ngunit ito’y binalewala ko lamang at pinagpatuloy ang pag-lalaro. Sumunod sa “bump-car” ay ang kumain sa Jollibee, pag-katapos ng matinding halakhakan ay diretso kami sa kainan dahil nakakagutom nga namang maglaro. Paboritong kong kainin sa Jollibee noon ay ang Manok na may kasamang Ispageti, dalawang kanin at Royal. Kapag sa Mcdo naman ay halos pareho lang din dahil pareho lang din naman ang menu nila. Minsan kumakain din kami sa Chowking, kaso hindi ko gaano gusto ang mga pagkain nila.
Sa Fiesta Mall pa rin ang aking bagsak pagkakatapos ng klase. Pumupunta kaming mag-kakaklase doon para kumain at para mag-laro ng “Counter Strike”. Minsan nga ay hindi na muna kami kumakain dahil inuuna na naming ang paglalaro ng “Counter Strike”, dahil sa paglipas ng oras mas dumadami ang tao at kapag maglaon baka maubusan kami ng bakanteng puwesto sa komputeran. Sikat na sikat noon ang larong ito at marami talaga ang nahuhumaling, kung tutuusin ako ay naging adik din sa larong ito. Minsan nga ay nagkakaroon pa ng pustahan sa larong ito.
Dahil nga sa kumpleto ang Mall, binibisita ko na rin ito para bumili ng aking mga pangangailangan. Bumibili ako ng mga gamit sa paaralan, mga damit at pantalon, at marami pang iba. Naalala ko na sa panahon din ito sumikat ang mga laruang sasakyan na ina-assemble o tinatawag na “Tamiya”. Ako at ang aking mga kapatid ay naging masugid na taga-hanga nito. Binili kami ng nanay ko ng tig-iisang “Tamiya” at kasabay nito, binili na rin kami ng nanay ko ng “race track” para doon namin pag-laruan ang mga nabili namin. Bumibili pa ako ng mga parte nito upang lalong mapabilis ang takbo ng aking laruan. Dahil sa kasikatan nga ng larong ito, nag-karoon pa ng mga pa-liga sa loob ng mall. Ang konsepto lamang ng liga ay pabilisan ng “tamiya”, at kapag ikaw ang nauna, siyempre ikaw ang panalo. Balak ko sanang sumali, ngunit sa aking nakita at napansin, hamak na magiging kawawa lang ang aking laruan dahil sobrang bilis ng sa kanila. Nanood na lamang ako at kahit paano at nag-enjoy din naman ako sa panood.
Sa Fiesta Mall din unang nagsulputan ang mga bilihan ng VCD. Dahil sa mahal ng panonood ng sine, bumibili na lamang kami ng mga VCD at sa bahay na naming pinapanood. Hindi pa gaano uso ang mga piratang VCD kaya medyo me kamahalan din ng kaunti ang pagbili nito, ngunit kung tutuusin, mas tipid pa rin ito kaysa manood sa sinehan. Nagsulputan din ang mga bagong cellphone sa mall na ito, kaya nga ako ay naengganyo din magpabili sa aking nanay. Ngunit, dahil sa medyo may kamahalan pa ang mga cellphone noon, hindi ako pinayagan ng nanay ko na ibili dahil wala pa naman daw ako pagagagamitan at dahil me kamahalan nga. Hindi rin nag-tagal, nagmura na ang mga dating mahal na cellphone dahil mas maraming lumalabas na cellphone sa panahon na iyon. Naisip ng nanay ko naibili na rin ako ng cellphone dahil sa panahon na iyon ako ay nag-papamasahe na pauwi sa aming bahay. Ibinili ako ng nanay ko ng alcatel na cellphone sa Fiesta Mall. Abot tenga ang ngiti ko dahil sa sobrang tuwa. Ipinagmamalaki ko pa sa aking mga kaibigan ang aking bagon cellphone.
Sa panahon ngayon, marami ng pinagbago ang mall na ito. Hindi na sila ganong kasikat gaya ng dati, sa kadihilanang mas marami na ang kakompitensya ng mall na ito. Sa ngayon, halos puro mga pirata at peke na lamang ang makikita mo sa mall na ito. Wala na halos ngpupuntang tao dahil hindi na nga ito patok at kokonti na lamang ang makikita. Nakaklungkot mang isipin ngunit ganoon talaga ang realidad sa ating lipunan.

This entry was posted on 4:44 AM
You can follow any responses to this entry through
the RSS 2.0 feed.
You can leave a response,
or trackback from your own site.
Posted on
-
1 Comments
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comments:
Samuel. Salamat sa pagsulat mo tungkol sa Fiesta Mall. Sa susunod sana ay lagyan mo ng litrato.
Gusto ko kasi sanang ipasyal ang aking pamilya pero hindi ko malaman itsura ng Fiesta Mall.
Salamat!
Post a Comment