Posted by
group4filculm
In:
Mall
by Melo Sabitsana
Maraming mga malls ang matatagpuan malapit sa bahay namin. Narito ang SM malls, Ayala malls, Festival mall, at iba pa. Bakit nga ba napaka-popular ng mga malls na ito? Ano ba ang makikita at magagawa dito? Aking tatalakayin ang mga sarili ko na karanasan sa papel na ginawa.
Sinasabing ang pinaka-madaling halimbawa ng kulturang popular ay ang mga mall. Ito ay dahil ang mall ay isang publikong lugar kung saan ang mga tao ay maaaring pumunta dito para sa iba’t-ibang mga dahilan, o kahit nga walang dahilan.
Ang napili ko na mall ay ang Alabang Town Center, o tinatawag din na ATC o town. Napili ko ito dahil ang town ay mga 10 minuto lamang ang layo sa bahay namin, at simula nung naaalala ko pa nung bata pa ako ay dito narin pumupunta ang aking pamilya. Naalala ko pa dati nung unang gawa palang ang town, lagi ako dinadala ng mga magulang ko at ang pinaka paboritong lugar na pinupuntahan ko ay ang Glico’s, ang Glico’s ay maihahambing ngayon sa Timezone, ngunit noon ay token pa ang ginagamit pa namin dahil di pa naman uso ang card gaya ng Timezone. Sa Glico’s palang noon ay madami ka nang magagawa at makita, katabi noon dati ay parang mga tiangge kung saan makakabili ka ng kung anu-anong mga bagay na magpapasaya sa bata man o matanda. Ngayon ay ang timezone na masasabi ko nang advanced dahil sa mga laro nito, maslalo na ang ktv kung saan may sarili ka pang kwarto. Naalala ko na ang lagi ko pinupuntahan ay ang magkatabing tindahan na nagbebenta ng mga WWF, o World Wrestling Federation na ngayon ay tinatawag nang WWE, o world wrestling entertainment, na mga kagamitan. Ang katabi naman nilang tindahan ay nagbebenta ng mga laser pointer at mga iba’t-ibang mga mailaw na kagamitan. Ang isa pang malapit na lugar dito ay ang cinemas. Masasabi ko na halos ang pag punta ng cinemas nalang ang naaalala ko na ginagawa ko parin mula noong bata pa ako. Kasama man ang pamilya ko o ang mga kaibigan ko ay ito ang masasabi kong isa sa mga pinaka masayang gawin at isa sa mga pinaka importanteng parte ng isang mall. Ngayon, ang cinemas ay di lamang pang mga sine, dahil nagpapalabas na rin sila ngayon ng mga PPV, halimbawa ay ang mga laban ni Manny Pacquiao. Madalas pagkatapos manood ng sine ay kumakain kami.
Maraming pag pipilian ng makakainan sa Town, maslalo na inayos at pinalaki na ito, ang mga kainan ay pwede sa isang restaurant, sa mga tabi-tabi na stalls, at sa inayos na food court. Dahil dito ay pwede kang pumili kung gusto mo ng merienda lang o ng eat all you can na buffet. Pwede ka bumili ng per slice na pizza, o pwede kang mag buffet sa Saisaki. Marami din mga fast food chains na makikita dito. Mayroon din mga stalls kung saan nagbebenta sila ng mga matatamis tulad ng tsokolate, ice cream, sari-sari na mga candy at iba pa. Makakapili ka kung ano klase ng pagkain ang gusto mo, ito man ay maaaring chinese, filipino, italian, arabic, japanese, american at iba pang mga luto. Makikita rin kasabay ng pagbebenta ng pagkain ang pagbebenta ng sari-sari mga inumin. Di mawawala ang pagbenta ng mineral water at ng mga softdrinks o soda, marami na din nagbebenta ng mga fruit shakes, fruit juice, protein shakes, at ang paborito ko na soya milk. Pag pagbebenta ng inumin ang usapan, masasabing ang coffee shops ang isa sa mga nangunguna. Madaming mga coffee shops ang matatagpuan sa town, ang iilan dito ay ang Starbuck’s, Seattle’s, Nescafe, at marami pang iba. Malakas ang mga ito di dahil lamang sa masarap nilang mga inumin, kundi dahil maraming pwede gawin sa mga coffee shops na ito. Kung gagawin ko halimbawa ang Starbuck’s sa town, dito ako madalas hinihintay o naghihintay pag may kikitain ako, ito man ay kaibigan o kapamilya. Pwede magpalipas ng oras dito, dahil okay din naman tumambay sa mga shops na ito dahil sa ambience. Kahit sarado pa ang mall ay isa sa pinaka maagang nagbubukas ang coffee shop na ito kaya may mauupuan ka pa rin. Marami pa ibang mga matatambayan na lugar sa town, meron din parang central plaza, na matatagpuan sa old wing, kung saan dito nagaganap ang mga concerts, events, at tuwing linggo ng umaga ay may session ng tai chi at iba pa. Makikita din malapit dito ang mga bars, ang halimbawa dito ay ang Cable Car. Dito ay maaari ka bumili at uminom ng alak, beer man, shot o on the rocks, maglaro ng bilyar, manood ng mga live na mga laro, kagaya ng football, boxing, basketball at iba pa. Sa town ay pwede ka rin magpalagay ng tatoo o henna sa guhit kamay, mabibili din dito mga kuwintas, bracelets, stud, hikaw, at iba pa.
Ang dami pang ibang pwede gawin sa town, pwede ka mag bilyar o mag bowling sa Paeng’s at Efren’s, mag internet o mag network o online gaming sa Netopia o sa Bcon, mag wall climbing sa power up, mag skateboard sa ginawang skate park, mag grocery sa mga supermarket, mag spa sa the spa, at iba pa. Sa ibang malls ay mayroon na rin mga gyms, ito man ay fitness gym o sports gym, tulad ng Elorde. Maari din mag simba sa st. Joseph na ilang hakbang lang ang layo mula sa cinema entrance ng town.
At di maisasatabi ang pag shopping, o pamimili ng mga kagamitan sa mall. Lahat na nga ng kailangan mo ay makikita mo dito. Ito man ay pang sariling interes, tulad ng mga libro o magazines, mga religious na bagay tulad ng mga statue ng mga santo o mga cards. Makakabili ng mga sabon, lotion, make-up, pabango at ibang mga kagamitang pampaganda sa mga tindahang kagaya ng the Body Shop o PCX. Meron din nagbebenta, bumibili o nag-aayos ng mga mamahaling mga bagay tulad ng mga alahas, relo, salamin at iba pa. Ang Town ay meron din service center, na matatagpuan sa may basement, kung saan makakakita ka ng mga barber shops, isang halimbawa ay ang Bruno’s. Maaari din magpa-alter o magpa-ayos ng mga damit o tela sa Alterations. Makikita din dito ang massage chair, kung saan magbabayad ka ng 20 pesos, pero tumaas na ata ang presyo ngayon, at maaari mo gamitin ang massage chair ng 10 minuto. Marami din mga tindahang nagbebenta ng mga kailangang pang bahay, mga tiles man ito, mga ilaw, mga kama, upuan, lamesa, washing mashine, kubeta, pintura, at iba pang matatagpuan sa mga hardware shops. Mayroon ding mga tindahan kung saan makakabili o mapapaayos o trade-in ka ng mga cellphone, ipod, psp at iba pa. May mga gift shops din kung saan nagbebenta ng mga kung anu-ano mga bagay na maaring pang regalo o pang collector’s item. Madalas ko din puntahan ang tower records, dito ay maaari ako makinig at bumili ng iba’t-ibang mga kanta, ng mga damit at mga posters. Mayroon din mga sports outlet, kagaya ng toby’s, adidas, nike, olympic village, athlete’s foot, kung saan makakabili ka ng mga kagamitang kailangan para sa iba’t-ibang mga sports at fitness. Madami din mga tindahang nagbebenta ng mga damit mula ulo hanggat paa, mayroong local brands, at marami din mga imported na mga brands. Ang mga pangangailangang pang eskwelahan ay matatagpuan din sa mga katulad ng national bookstore, kumpleto dito mula bond paper hanggat bunsen burner. Makakabili ka din ng mga gamot o mga pain relievers sa mga kagaya ng mercury drug. Tuwing may mga occasion, nagkakaroon ng malalaking discounts ang mga flower shops at karamihan sa mga tindahan.
Maraming pwede gawin sa Town o kahit sa iba pang mga mall. Pero pwede rin naman pumunta sa mga mall na ito kahit mag-isa ka lang at walang plano, dahil minsan ay masarap din magpalamig lang sa loob ng mall, kaya kahit tumambay ka lang dun o magpalipas oras, o magbasa lang sa Powerbooks o makinig ng music sa Tower ay okay na.
This entry was posted on 5:20 AM
You can follow any responses to this entry through
the RSS 2.0 feed.
You can leave a response,
or trackback from your own site.
Posted on
-
0 Comments
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment