Posted by
group4filculm
In:
Sex and the City = Entry # 2
by Helen Espinosa
Masasabing ang panunuod ng sine sa mall ay gawain ng mga taong may kaya sa buhay, maliban sa mga mag-nobyang ibinubuhos ang kanilang sahod o allowance dito. Kadalasan, mga foreign movies ang ipinapalabas sa mga high-end malls tulad ng Ayala Malls (Greenbelt, Glorietta, Trinoma, etc). Kapag sinabing local movies, ito’y sinasabing baduy o jologs ng mga tao. Sa aking pananaw, baduy ang mga local movies dahil hindi pa kasing-ganda ng ating teknolohiya ang teknolohiya ng ibang bansa, tulad na lamang ng Elastik Man o kaya’y Pedro Penduko, kitang-kita ang pangit ng ating teknolohiya pagdating sa magic effects. Pakiramdam tuloy ng mga tao ay hindi sulit ang kanilang ibabayad sa panunuod ng mga local na pelikula. Isa pa sa mga dahilan kung bakit baduy ang mga local films ay dahil gawa ito ng kapwa Pilipino; kolonyal ang mentalidad ng mga Pinoy, lagi nilang iniisip na mas maganda ang gawa ng ibang bansa, partikular ng US. Isa pang dahilan kung bakit ayaw ng mga Pinoy na manuod ng local films ay dahil sa tema ng pelikula. Oo nga naman, sino bang magkaka-interes manuod ng drama tulad ng Caregiver na punong-puno ng iyakan at dramahan kung ang mismong realidad ng buhay ay punong-puno rin ng kalungkutan at problema? Ang panunuod ng sine ay isang gawain para marelaks ang tao, ngunit kung sinasalamin ng pelikula ang realidad ng buhay na puno ng problema, paano pa magkaka-interes ang mga taong manuod?
Maging ako man ay biktima ng foreign films, ngunit hindi ko naman sinasabing baduy ang mga local films, may mga local films din tayong maipagmamalaki tulad ng Caregiver (pinanuod ko ito, sa DVD nga lang). Nanuod din ako ng A Very Special Love ni Sarah at John Lloyd, sa DVD din nga lang. Ang mga foreign fims tulad ng Dark Knight, Kung Fu Panda, Walle at iba pa ay pinanuod ko sa sinehan. Okay lang naman sa akin na manuod at pagkagastusan ang mga local films, ngunit walang nagyaya sa aking manuod kaya sa DVD ko na lamang sila pinanuod, hindi tulad ng foreign films na niyaya pa akong manuod ng aking mga kaibigan.
Patuloy na pinapatay ng foreign films ang mga local na pelikula, ngunit patuloy pa ring tinatangkilik ng mga Pilipino ang mga foreign films, hindi alintana sa kanila kung isang araw ay magising silang wala nang pelikulang local sa market. Ano nga ba naman ang kwenta ng mga local na pelikula sa mga Pilipino? Wala naman silang makukuha at hindi naman sila mawawalan dahil andyan naman ang foreign films na mas pinipili nila.
Sa dami ng problemang kinakaharap ng mga Pilipino sa araw-araw na buhay, hindi nakakapagtakang ayaw na nilang makakita o makarinig pa ng problema ng ibang tao, kahit pa sabihing chismoso ang mga Pinoy. Ang panunuod ng sine ay isang akto kung saan maaari nilang pasukin ang isang mundo ng imahinasyon, isang mundo kung saan tila nakakalimutan nila ang kanilang problema, at tila ito ang kiliti ng mga Pilipino pagdating sa panunuod ng sine. Tulad na lang ng pelikulang Sex and the City, ipinapakita rito ang pamumuhay ng mga tao sa New York na tila isang panaginip para sa mga Pilipino ang makaranas ng ganitong pamumuhay. Hindi naisip ng mga Pilipino na ang ipinapakita lamang ng pelikulang Sex and the City ay pawang positibo, hindi ipinakita ng pelikula ang buhay ng mga mahihirapa doon.
At tulad na rin ng pelikulang Kung Fu Panda, natutuwa at tinangkilik ito ng mga matatandang Pinoy kahit pangbata ang pelikula dahil nakakatawa ito. Si Po na bidang panda sa pelikulang ito ay nagsasalamin sa mga Pilipino kung saan bagama’t siya ay mataba at mukhang walang abilidad na makamit ang kanyang pangarap sa buhay, ay naging tagapagligtas pa ng kanyang kababayan pagdating sa dulo ng pelikula. Maihahalintulad ito sa mga teleserye kung saan hikahos sa buhay at inaapi ang babae at may magmamahal sa kanya na mayaman at gwapong lalaki. O kaya’y isang aksyong pelikula ni FPJ kung saan makakalaban nito ang napakaraming kaaway na pawang may dalang baril ngunit matatalo ang lahat ng ito.
Nakakatuwang isipin na ang nais lamang ng mga Pilipino sa panunuod ng sine ay makatakas sila sa totoong buhay ng kahirapan at punung-puno ng problema. Ang mga litanyang binibitawan ni Carrey Bradshaw (Sarah Jessica Parker) sa pelikulang Sex and the City na bagama’t nakakatawa sa kanilang kultura ay tila walang dating sa mga Pilipino. Kapag tumawa ka sa mga ‘american humour’ ngunit ang hitsura mo naman ay pipichugin, tatawagin kang ‘trying hard’ ng mga tao. Kung carry mo naman at pangkaraniwan na lang sa’yo ang mga ‘american humour’, tatawagin kang sosyal ng mga tao.
Maging sa panunuod ng sine ay makikita ang estado ng buhay ng tao kaya hindi nakakapagtakang mas pinipili ng mga tao ang foreign films, kahit papaano’y hindi sila masasali sa mga ‘baduy’ na karaniwang tawag sa mga local films, maging sa mga taong nanunuod nito.
Kalian pa kaya magigising ang mga Pilipino sa katotohanan? Hanggang panaginip at ilusyon na lang ba ang lahat ng bagay? Kalian nila matatanggap na sila man ay parte ng ‘baduy at jologs’ na kulturang sila mismo ang nagbansag? Hindi nila ito matatakasan kailanman hangga’t hindi sila humaharap sa katotohanan at aminin sa kanilang sarili na sila ay baduy at jologs kahit ano pa man ang kanilang gawin. Magsalita man sa wikang Ingles at umasta mang konyo ang isang tao kung siya naman ay maitim at pango ay hindi pa rin siya nakaliligtas sa panlalait at kritisismo ng nakararami, siya ay tinatawag na ‘trying hard’ tumakas sa kanyang sariling kultura.
‘Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan’. Dapat itong isaisip ng mga Pilipino upang sa ganon ay maengganyo silang tulungan ang isa’t isa tungo sa pag-unlad ng ekonomiya’t bansa. Crab mentality ang mga Pinoy, ayaw nilang may kapwa Pilipinong umaasenso, kaya naman kapag may umaasensong Pinoy ay tinitira at sinisiraan nila ito, pakiramdam kasi nila’y napag-iwanan na sila. Idagdag pa rito ang kolonyal na mentalidad nila, ang resulta tuloy ay mas lalong grumabe ang problema hindi lamang ng mga tao kundi maging ng industriya at ekonomiya ng bansa.

This entry was posted on 7:06 PM
You can follow any responses to this entry through
the RSS 2.0 feed.
You can leave a response,
or trackback from your own site.
Posted on
-
0 Comments
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment