Posted by
group4filculm
In:
Mall
By Maria Carmina S. Baron
Sa dami ng mga mall na napuntahan ko sa buong buhay ko, nahihirapan akong pumili ng iisa lamang para gawan ko ng isang blog.Nandiyan ang SM centerpoint na sa tingin ko ang pinakamalapit na mall mula sa aming bahay, nandiyan din ang Glorietta o kaya ang Greenbelt kung saan paborito naming puntahan ng mga kaibigan ko ngayong kolehiyo, nandiyan din naman ang Megamall kung saan nakapalibot na rin ang ibat’-ibang mall at napaka-accessible dahil sa MRT at maging ang Gateway, ang mall na katabi lamang ng Araneta Coliseum at lagi naming nadadaanan bago o pagkatapos manuod ng UAAP.
Ngunit sa dinami rami nga ng mga mall na napuntahan ko sa buong buhay ko magmula pa sa SM Baguio hanggang Alabang Town Center, sa tingin ko merong iisang mall na nais kong bigyan ng pagkakataon upang makilala ng ibang tao sa pamamagitan ng pagba-blog kong ito. Kilala ang mall na ito sa katawagang SM North Edsa, na halata naman mula sa pangalan nito ay isang mall na makikita sa north. Hindi ito ang karaniwang puntahan ng mga sosyal na tao dahil karaniwang masa ang makikitang palakad lakad sa loob ng mall na ito. Marami ring mga estudyante na gustong-gustong binibisita ito kahit sila’y nakasuot pa ng kani-kanilang mga uniporme dahil na rin siguro sa maypagka-relaxing na atmospera nito bagamat maraming tao talaga ang dumadagsa dito --hindi ko pa ata ito naabutang walang lamang tao, bukod pa sa isang dahilan na napaka-accessible din nito ng iba’t ibang transportasyon – jeep, taxi, kotse, tricycle, MRT, FX o maging ang bus.
Hindi ko ikinakailang madalas akong nagpupunta sa mall na ito simula ng ako’y payagan nang magcommute mag-isa ng aking mga magulang noong ako’y nasa ika-apat na taon na ng hayskul, habang ang aking mga kamag-aral at kaibigan ay nagpupunta sa mga mas maayos na mall. Bagamat mas malapit nga ang SM Centerpoint sa amin ay mas madali namang mapuntahan ang mall na ito sa North Edsa dahil isang jeep lamang ang aking kailangang sakyan at konting paglalakad. Kapag last minute na ay may mga bagay na kailangang kailangan naming mabili, dito kami sa mall na ito tumatakbo. Lahat na ata ng bagay at serbisyo ay makikita mo sa loob nito – mula sa pagpapagawa ng mga cellphones, salons, sinehan, pagawaan ng nasirang sapatos, atbp. Ano ba naman ang saysay ng pagiging isa sa pinakamalaking mall nito sa Asya kung wala naman itong laman? Siya nga pala, kung hindi ako nagkakamali ito ang pinakamalaking mall pagkatapos ng Megamall at Mall of Asia dito sa Pilipinas (wala nga lamang itong ice skating rink na meron ang dalawang nasabing mall). Sa totoo niyan kahit hindi ko na mabilang kung ilang beses na ako nagpunta sa mall na ito ay hindi ko pa rin masasabing memoryado ko na ang mga pasikot-sikot dito dahil na rin sa laki nito. Naliligaw pa rin ako paminsan-minsan kahit may mga kasama pa ako.
Malaki laki na rin ang pinagbago nito simula nang una ko itong nakilala noong bata pa lamang ako. Nandiyan ang pagpapahaba at pagpapaganda sa mga ibang bahagi nito, ang pagtatayo ng mga bagong building sa mga dating Carpark area at ang pagsasara at pagbubukas muli ng iba’t ibang departamento nito. Kung dati rati’y ito lamang ang nag-iisang mall sa lokasyon ng North Edsa ay nagsulputan na rin ang mga panibagong malls sa paligid nito kelan lamang. Nandiyan ang pagbubukas ng SM The block, na bagama’t katabi at kadugtong ng SM North Edsa mismo ay tinuturing pa rin bilang hiwalay at kaibang mall at ang pagtatayo ng Ayala Mall na TriNoma.
Sa mall na ito ko ata nakasama na ang iba’t ibang tao mula sa iba’t ibang parte ng buhay ko, maliban na nga lamang sa aking mga kaibigan mula sa kolehiyo na karamihan ay mga nakatira sa south at walang panahon upang dumayo pa sa North. Naalala ko noon ilang araw bago umalis patungo sa Amerika ang aking kaibigan mula sa grade school ay natulog ako sa kanilang bahay. Kinabukasan ay sumama kami sa kanyang mommy at kuya na patungo naman sa SM North para lakarin ang ilang mga bagay. Pagkarating namin sa mall ay humiwalay kami at nagtungo sa SM Cyberzone na isang parte ng mall na ito kung saan ibinebenta ang iba’t ibang mga produkto ng teknolohiya, upang umiwas sa maraming tao sa loob ng SM Main at kami’y kumain sa Mcdo noon. Sa lugar na iyon nangyari ang mga bagay na hindi naming nagawa sa loob ng mahabang panahon simula ng lumipat siya ng High school at nagkahiwalay kami, kabilang na ang kwentuhan at maraming tawanan. Iyon ang huling bonding place namin.
Naalala ko rin ang isang pagkakaton kung saan kasama ko ang aking matalik mula naman sa High School sa SM The block at nagpaalam kami sa kanyang mommy na umikot ikot muna at pumunta kami sa SM main o ang SM North kahit ba pinagbabawalan kaming gawin ito dahil sa hindi ito kasing ligtas ng The block. Totoo nga naman, kung ikukumpara ang SM The block at SM North malaki laki rin ang pagkakaiba nila sa isa’t isa. Maliban sa bago ang unang nabanggit at ibang iba talaga ang ichura nito, maging ang amoy ay mapapansin mo na hindi talaga magkaparehas. Lalung-lalo na ang mga tao, noong mga panahong iyon pa naman hindi pa talaga natutuklasan ng mga tao ang The block dahil sa bago pa ito at kung ikaw ay tumawid sa kabilang mall ay para ka na ring pumasok sa ibang planeta dahil talagang iba ang mga tao na nasa kabila. Ngunit ngayon, katulad din naman ng ibang mall na naluluma din ay natutuklasan na rin ito ng iba’t ibang klaseng tao isang “normal” na lamang ito. Ang tanging pagkakaiba na lamang sa dalawang mall na ito ay mas bago ang the block at may department store naman ang SM North na wala ang The block. Kung tatanungin mo ako, mas pipiliin ko pa rin ang SM North kahit ba mas “delikado” daw dito dahil mas malawak ang mga pagpipiliian mo sa mga bagay-bagay, at katulad na nga ng aking nabanggit sa itaas talagang kumpleto ito sa iba’t ibang serbisyo at mga produkto. Sa katulad kong madalas lamang nagpupunta ng mall kapag may kinakailangan talagang bilhin o gawin at mas iniintindi ang kung ano ba ang makikita at mabibili sa isang lugar at hindi na ang ibang bagay na hindi naman importante, ay talagang SM North edsa ang tamang piliin.
Naaalala ko nung ako ay nasa grade school pa, natural lamang naman sa akin na madaling lumaki ang mga paa ko. Tuwing bago magpasukan, nakikipagsabayan kami sa daan-daang mga bata at mga magulang rin na dumadagsa sa Department store upang mamili ng sapatos. Buong buhay ko noong elementary pa ako ay sa mga department store ako bumilibi ng sapatos katulad na nga ng sa SM North yan ay kung hindi mo isasama ang isang pagkakataon kung saan dinala kami ng Daddy ko sa isang shoe expo sa Cubao. Iyong mga bagay na iyon ang nagsilbing “bonding time” naming kasama ang Daddy ko na hindi naman mahilig talaga mag-malling. Siya kasi ang tipo ng taong madaling mainip at bilang lalaki, natural lamang sa kanya na mawalan kaagad ng interes sa mga mga bagay na paulit ulit lamang naming nakikita, hindi ba?
Nakanuod na rin kami ng pelikula sa mga sinehan ng mall na ito. Ang huling pelikula na napanuod ko sa loob ng SM North ay ang Superman 3 o yung Superman Returns kung hindi ako nagkakamali. matagal tagal na rin ito. Nagtungo kami ng tita ko sa SM North noong showing pa ang pelikula habang ang ibang mga tao ay nagpunta naman sa ibang mas sosyal na mall. Hindi naman kasi ako mapili pagdating sa mga sinehan, sa katunayan, maliban sa laki ng isang movie house ay hindi ko na talaga napapansin ang ibang pagkakaiba-iba pa ng mga sinehan, siyempre iyan ay may exception pag dating sa iMax theatres ng SM Mall of Asia. Kung hindi rin ako nagkakamali, noong mga panahong marami pang panahon ang daddy ko para ipasyal kaming mga anak niya ay sa SM North rin kami nanuod ng Princess Sarah, na tinulugan ko lamang. Well, bata pa kasi naman ako nun at natural lang sa akin maging antukin. Dahil tuloy natulog ako noon ay napilitan sila na putulin na lamang ang panunuod at umuwi.
Talaga namang bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang karanasan na maaaring maibabahagi pag dating sa ating mga paboritong mall. Lahat naman tayo kahit sabihin nating hindi “shopaholic” ay naging bahagi na ang mall sa ating mga buhay. Marami kasing gampanin o gamit ang isang mall sa iba’t ibang buhay ng mga tao maliban sa pagiging isang pook pasyalan nito. Ang SM North Edsa, hindi man ito ang aking paboritong mall ay nagbigay sa akin ng maraming mga karanasan na hindi ko makakalimutan magpakailanman. Malaki ang naging papel ng mall na ito sa pagpapanatiling matibay ng aking mga relasyon sa iba’t ibang taong malapit sa aking buhay. Sigurado ako na sa mga susunod pang taon ay marami pang maidagdag ang mall na karanasan sa ating buhay.

This entry was posted on 5:15 AM
You can follow any responses to this entry through
the RSS 2.0 feed.
You can leave a response,
or trackback from your own site.
Posted on
-
0 Comments
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment