Posted by
group4filculm
In:
Ang iba’t ibang mukha ni Claudine Barretto
ni Pauline Martelino
Sino nga bang Pilipino ang hindi makakilala sa sikat na sikat na si Claudine Barretto? Maaring ikaw ay isang “die-hard fan” ni Ms. Claudine at inumpisahan mo siyang sinubaybayan mula pagkabata sa “Ang Tv”. Napakalayo na nga talaga ng narrating ni Claudine magmula na siyang nagartista. Isa na siya ay bumibilang sa mga pinakamagagaling at pinakatanyag na artista sa Pilipinas.
Ano nga ba ang imahen ni Claudine sa mga manunuod at kanyang mga tagahanga? Sa tinagal tagal niya sa industriya ng pelikula at pag-arte, ano nga ba ang naipaparating ni Claudine sa mga Pilipino? Sa dinami dami ng mga ginampanan niyang papel sa kanyang pagtatanghal. Kabilang dito ang kanyang pagiging tweetums at rebelde sa panahon ng kanyang pagdadalaga. Isinabak din siya sa komedya sa mga palabas tulad ng “Home along the Riles” at “Oki Doki Dok”. Napakaraming pelikulang love story ang tema ang kanyang tinampukan tulad ng “Got 2 Believe” at “Muntik na kitang Minahal”. Isinalang din siya sa mga mahihirap na roles tulad ng role niya sa “Dubai” at “Milan” na talagang nagpaiyak sa marami. Napakarami na din talagang mga teleserye ang kanyang tinampukan na sinusubaybayan ng mga Pilipino tulad ng “Mula sa Puso” at ang fantaseryeng “Marina”. At kamakilan lang ay gumanap din siya sa mga horror na palabas, “Maligno” at “Sukob”. Kabilang sa kanyang mga naging kaloveteam sina Rico Yan, Piolo Pascual, Aga Mulach, Diether Ocampo at Gabby Conception. Patuloy si Claudine sa pagganap ng iba’t ibang mga roles sa pelikula at telebisyon.
Talagang napakarami ng mga papel ang ginampanan ni Claudine kaya’t masasabi kong napakagaling niyang artista. Ngunit sa kalahatan aking napansin na napakalakas ng imahen na ginagampanan ni Claudine. Nakita natin siyang madapa at maapi ngunit madalas ay lumalabas ang kanyang tapang, bumabangon at nalalampasan ang mga paghihirap na ito. Sinasalamin ni Claudine ang mga kababaihan ng ating bansa. Tulad ng mga ordinaryong Pilipina, nakakaranas ng kahirapan, diskriminasyon at pang-aapi ngunit lumalaban parin at nagsusumikap. Nakita natin si Claudine sa pagganap niya sa kanyang kahinaan at kanyang kalakasan. Maaring may mga pagkakataon na siya’y napapahirapan at nagkakamali ngunit mahusay niya itong nalalagpasan. Ngunit kahit pa masasabi kong palaban ang imahen ni Claudine ay hindi parin talaga mawawala sa Pilipinang karakter ng pelikula ang pagiging “inferior” sa mga lalake. Masasabi kong kahit kakaiba ang imahen na ipinararating ni Claudine ay ang kaligayahan, paghihirap at pag-asenso ng kanyang karakter ay dumedepende parin sa mga lalake o kanyang mga kaloveteam. Ipinapakita din ng imahen ni Claudine ang diskriminasyon sa mga babae sa ating bansa sa trabaho man o sa pamilya at lipunan. Maaring hindi ito magandang balita para sa mga kababaihan ngunit napakaganda ang kanyang naipakita dahil sinalamin niya ang katotohanan sa lipunan na ginagalawan natin bilang mga Pilipino ngayon.
Kahit sa labas ng pelikula at industriya ng showbiz, makikita natin na naipapahayag parin niya ang imahen na ito. Sa pakikitungo sa kanyang pamilya na kahit minsan ay magulo, nalagpasan ito ng Claudine na maayos. Sa ngayon ay patuloy niyang ginagampanan ng mabuti ang kanyang pagiging mabuting asawa at maalagang ina.
Matapang at malakas si Claudine bilang isang Pilipina, ito ang mensaheng nais iparating ng imahen ni Claudine. Maaring napakaraming “flaws” bilang isang Pilipina ang kanyang nagagamapanan bilang isang aktres ngunit sakabila nito’y mahusay niyang nagampanan ang mga katangian na kakaiba at tanging tayo bilang mga Pilipina lamang ang mayroon.
This entry was posted on 7:40 PM
You can follow any responses to this entry through
the RSS 2.0 feed.
You can leave a response,
or trackback from your own site.
Posted on
-
3 Comments
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
agree.
Magaling na aktres.
kakapanuod ko lamang ng mula sa puso noong isang araw sa cinema one. ang nipis ng kilay ni claudine doon. pero ang gwapo ni rico yan! (AMEN)
Post a Comment