Lloydy
Blog entry # 3
Maria Carmina Baron
Kapamilya ka man o kapuso, sigurado ako na kilalang kilala mo si John Lloyd Cruz. Kilala na talaga si John lloyd hindi lamang bilang kapareha ni Bea Alonzo ngunit kilala siya dahil sa husay niya sa pag-arte.
Taong 1996 nang una siyang lumabas sa isang pelikula, ngunit hindi bilang isang bida, Taong 1998 naman nang lumabas siya sa pelikulang “mahal na kung mahal” kung saan kasabayan pa niya noon sina Baron Geisler at Mark Solis na minsan niyang nakasama sa isang grupong tinatawag na “koolits”. Malayo-layo na rin ang narating ni John Lloyd Cruz mula dito.
Isa sa mga dahilan kung bakit pinili ko si John Lloyd bilang subject ng aking blog ay dahil sa “versatility” na mayroon siya pagdating sa pag-arte. Kung ikukumpara sa ibang artista, para sa akin, mas maraming kayang gawin si John Lloyd kaysa sa kanila. Halimbawa na lamang si Piolo Pascual, bagamat napakagaling niyang artista na kayang pagtibayan ng maraming parangal na kanyang natanggap ay mas bilib pa rin ako kay John Lloyd. Hindi lamang siya magaling sa drama, marunong din siya sa comedy. Sa katunayan, mas kaya niyang magdala ng eksenang kinakailangan ng comedy kung ikukumpara kay Piolo.
Hindi yata lumilipas ang isang taon nang walang mga proyektong ginagawa si John Lloyd, mapapelikula o teleserye. Ang pinakamalaking break na sigurong natanggap niya ay ang teleseryeng pinagbidahan niya kasama si Bea Alonzo sa kauna-unahang pagkakataon, ang “Kay tagal kang hinintay”, bagamat hindi naman ito ang kanyang unang teleserye dahil lumabas na rin siya sa youth-oriented show na “Tabing Ilog” ay ito ang naglunsad sa kanya bilang isang tunay na actor. Pumatok din kasi sa masa ang tambalan nila ni Bea. Simula dito ay hindi na natapos ang mga proyektong ibinibigay sa kanya. Sa ngayon ay ginagampanan niya ang papel ni Armando Solis sa teleseryeng Betty la Fea, na muli, ay katambal niya si Bea Alonzo. Ngunit, ang tagumpay na ito ni John Lloyd ay hindi lamang nakasalalay sa tambalan nila ni Bea Alonzo, hindi katulad ng ibang mga actor ngayon. Nagtatagumpay siya kahit sino pa man ang katamabal niya. Katulad na lamang ng “A very special love” na pinagtambalan nila ni Sarah Geronimo. Ilang linggo rin itong tumagal sa mga sinehan dahil tunay na tinangkilik ito ng maraming tao.
Siguro ay isa pa sa mga dahilan kung bakit hindi pinagsasawaan ng mga tao si John Lloyd ay dahil hindi siya “pretty boy”, hindi siya ganoon kagwapo ngunit mayroon siyang mukha na pwede sa kahit anumang genre ng pelikula. Pwede siyang maging maangas, mabait, nerd, mayaman, mahirap, baliw at kung anu-ano pa. Kaya niyang baguhin ang itsura niya depende sa sitwasyon na kinakailangan. Kelan nga lamang ay gumanap siya bilang isang asawa ni Alessandra de Rossi na may sakit na schizophrenia. Nakakadala ang naging pag-arte niya, mapapaniwala ka talaga na tinamaan talaga siya ng sakit sa utak.
Mabenta rin siya bilang isang commercial model, sa pagkain, sa shampoo, sa gamot, malaki ang tulong ni John Lloyd sa mga advertisers sa pagbebenta ng mga produkto.
Maingat rin si John Lloyd pag dating sa pagaalaga ng kanyang imahe. Sa tinagal-tagal niya sa industriya ng showbiz ay madalang na may lumalabas na mga intriga tungkol sa kanya na makaksira ng kanyang imahe. Siguro ay isa rin ito sa mga dahilan kugn kaya’t nagtatagal ang kanyang career. Nakikita ko na tatagal pa ang career ni John Lloyd Cruz.
This entry was posted on 5:46 AM
You can follow any responses to this entry through
the RSS 2.0 feed.
You can leave a response,
or trackback from your own site.
7 comments:
isa sa mga pinakakasikat na aktor si john lloyd sa panahon natin ngayon. hindi man gaanong kagwapuhan tila malakas ang dating niya sa mga pinoy. napakagaling din kasi niya sa pag-arte.
Tama talagang kahit hindi "pretty boy" si John Lloyd Cruz ay nananatili pa rin siyang patok sa maraming tao dahil hindi nakakasawa ang kanyang itsura. Siyempre magaling din talaga siyang umarte!
Versatile and has proven his great ability and well-rounded-ness as an actor. He made mark in the Philippine industry and is still continuing to rock and make every Filipinas' heart throb.
ANG GWAPO NIYA!!!!
I love you sir armando!! :-*
exmuse ki ang gwapo gwapo as in gwapo niya sa personal!!! baby face kasi wahhhhhhhhhhhhhhh
i really dont get why hes famous even. i mean, bleehhh he has a very very ordinary face. he looks so average.
akting nya,...hmmm...pwede na rin siguro...
Post a Comment