Robinhood Fernando Carino Padilla
ni Samuel Lubi
Masugid akong taga-hanga ni Robinhood Fernando Carino Padilla. Bata pa lamang ako ay sinusubaybayan ko na ang kanyang mga palabas. Hindi ko maitatago sa aking sarili na siya ang aking iniidolo lalo na nung aking kabataan, dahil bawat galaw niya ay talagang nakakahumaling gayahin. Si Robin ay tinaguriang "Bad-boy ng Philippine action movies". Ito ay kinuha sa palabas niyang Bad boy at karamihan na nga sa bawat ginagampanan niyang karakter ay may ugali ng bad boy, kaya ito ay ibinansag na sa kanya. Ang isa sa mga pinakapaborito kong palabas na pangunahing karakter si Robin ay ang palabas na "Mistah". Ipinakita dito ang pagiging matapang o mandirigma na naglalarawan sa mga sundalong Pilipino at sinasabi na may sariling kakayahan ipaglaban ang tama at inilalarawan ang ugali ng mga Pinoy na may katapatan sa kanyang bansa. Kung tutuusin, napakaraming leksyon ang matututunan kung ating ikikritisays ang palabas na ito. Ipinakita rin dito ang pagkakaroon ng pagkakaisa at matibay na pagkakaibigan.
Nakalulungkot isipin na siya ay napariwara noong nakilipas na panahon. Siya ay nakulong sa kadahilanang ng paglabag sa batas. Nakulong siya dahil sa salang illegal possesion of fire-arms. Nagtagal siya sa bilangguan ng mga pito o walong taon. nakalulungkot mang isipin pero sa tingin ko ay ganon talaga ang pagsubok ng buhay. Matapos ang pagkakabilanggo, siya ay kinilala ulit ng masa bilang bagong Robin na maituturing ng "Good Boy". Muli siyang bumaling sa mundo ng showbiz at gumawa ng mga palabas na sa tingin ko ay hindi na Bad Boy ang kanyang ginagampanang karakter at sa halip ay isang romantikong lalaki na may katuwang na magandang binibini. Dito umangat muli ang pagtingin ng tao kay Robin Padilla. Nag-iba man ang role niya sa mga palabas, siya pa rin ay aking inidolo at patuloy na sinubaybayan.
Si Robin ay isang icon na talagang kahanga-hanga. Kahit na nagkaroon siya ng maraming isyu noong mga nakaraang panahon, hindi pa rin maiaalis ang kanyan katanyagan sa pag-arte. Kaya nga naman hanggang ngayon ay patok pa rin siya sa industriya ng shobiz. Si robin sa tingin ko ay dapat talagang parangalan ng tao dahil sa giling niya sa pagarte; dahil sa malaking pinagbago ng kanyang ugali pagkatapos makulong at dahil napagiisa niya ang muslim at ang mga katoliko sa ating bansa. Siya lamang kasi ang sikat na Pilipinong muslim na kung saan nai-alis niya ang diskrimination sa mga muslim. Ngayon si Robin ay talagang maipagmamalaki ng bawat masang Pilipino kaya nga naman siya ang aking paboritong aktor sa mundo ng showbiz.
This entry was posted on 10:57 PM
You can follow any responses to this entry through
the RSS 2.0 feed.
You can leave a response,
or trackback from your own site.
3 comments:
dihamak ngang si robin padilla ay isa sa mga pinakamagaling na action star sa pelikula. sana mayroon siyang upcoming ngayon :p mayroon ba?
talagang kahanga hanga si Robin sa kanyang angking galing sa pag-arte. Nakakatuwang hanggang ngayon ay tinatangkilik parin siya ng mga manonood na Pilipino. Nasubaybayan natin ang kanyang mga pinagdaanang unos sa buhay. Pagiging pariwara at ang pagbabagong buhay. :)
Im so proud of you, brother! muah!
Post a Comment