Nikki Gil
ni Melo Sabitsana
Kung ako ay tatanungin kung sino sa tingin ko ay ang, “perfect girl” sa tingin ko ito ay wala ng iba kundi si, Nikki Gil.
Si Nikki Gil ay isang magaling at dedicated na actress, host, at singer. Sabi saakin ng kaibigan ko, na kabatch ni Nikki noong high school sa Shekinah Christian Training Center, na si Nikki ay grumaduate na valedictorian ng kanyang batch, at siya sa kasalukuyan ay nag-aaral sa Ateneo de Manila University.
Una ko nakita at narinig si Nikki sa commercial niya ng Coca-Cola, at simula dito ay dahan-dahan na akong nahulog sakanya. Sino ba naman may akalang dahil sa 30 segundong commercial niya na ito ay ang magiging stepping stone niya para maabot ang kanyang hawak na kasikatan ngayon? Pagkatapos ng commercial na ito ay sunod-sunod na siya kinuha ng maririnig ang boses niya sa jingles ng iba’t ibang mga brands sa parehas radyo at telebisyon. Siya ay Ngayon ay makikita na din si Nikki sa iba’t ibang commercials at mga endorsements tulad ng Avon, Sunsilk, Penshoppe, Smart, Vicky Belo, Disney Channel Asia, Vaseline, Happee Toothpaste, at marami pang iba. Siya rin ay naglabas ng self-titled album kung saan kasama dito ang mga sinulat niyang kanta tulad ng Sakayan ng Jeep at ng Glowing Inside. Simula noong 2005 ay lagi na siyang kinukuha bilang isang host sa mga palabas tulad ng extra challenge, ASAP, MRS (Most Requested Show), Pinoy Dream Academy, Wowowee, High School Musical Around the World, at marami pang iba. Siya rin ngayon ay isang VJ sa myx channel, masasabi ko na siya lang rin talaga ang rason kung bakit masarap manood ng myx. Hindi lang local star itong si Nikki Gil, dahil noong 2006 ay kasama din siya sa asian version ng Breaking Free, na sumikat sa kilalang palabas na, High School Musical. At noong 2007 ay kasama siya ulit sa Walt Disney Records Asia sa pagkanta niya ng Gotta Go My Own Way na asian version. Siya ay nagwagi sa 3rd ASAP Platinum Circles Award dahil sa kanyang album na High School Musical 2 at Hotsilog. Ngayon ay kasapi na si Nikki sa Star Magic ng ABS-CBN. At dahil sa Philippine soundtrack niya ng High School Musical 2 ay tinagurian siya bilang Asian Girl Superstar.
Para sakin, si Nikki Gil ay ang klase ng babae na hindi ka magdadalawang isip na ipakilala sa magulang at sa pamilya mo. Siya ay ang masasabi kong isang magandang halimbawa ng dalagang Pilipina. Hindi siya kagaya ng stereotype na “maganda” ng ating bansa na dapat maputi, sexy, at iba pa. Maaakit ka sa galing niya sa pagkanta at sa nakakamatay niyang mga mata at ngiti. Naalala ko pa dati noong nanood kami ng concert niya sa 19east, na matatagpuan malapit sa sucat exit ng slex, muntik pa kaming di matuloy kasi ang entrance fee ay 500 pesos at hindi pa ito consumable at wala man lang libre kahit isang beer. Pero dahil gusto ko talagang manood ay binayaran ko pa ang tig kalahati ng 3 ko na kasama. Sulit din ang binayad ko, na kahit nakakahiya dahil sa may bandang harapan pa nakaupo at tila kaming 4 lang ang di ata kilala ni Nikki doon, dahil iba talaga pag live at kakaiba lang talaga si Nikki. Nagustuhan ko ang lahat ng mga kinanta niya, pero nung kinanta niya ang cover na, Don’t Know Why ni Norah Jones, ay di ko lang alam kung sa alak lang ba yun, ay literal parang natutunaw ako sa inuupuan ko. At sa dulo nung pangalawang set niya ay kinausap pa niya ako, ang sabi niya ay “uhm, excuse me..” Di ko napansin na nakatulala na pala ako sa kanya at nakaharang pala ako sa pupuntahan niyang katabi namin na table na puro mga kamag-anak niya. Pagkatapos ng pangyayaring yun ay wala na, nahulog na ko sakanya talaga at araw-araw ko nang minamatahan ang listahan ng mga tutugtog sa 19east para mapanood siya ulit ng live.
Kaya sa tingin ko ay masyadong underrated si Nikki Gil, sino pa ba ang masasabing katumbas niya ngayon? Na kaparehas ko lang na edad ay andami nang nagawa at nakamit sa kanyang buhay. Siya dapat, sa tingin ko, ay ang iniidolo ng mga tao, hindi lang dahil sa mga nagawa niya sa industriya ng music at pelikula, kundi dahil sa pangkalahatan na pinapakita niya.
This entry was posted on 8:20 AM
You can follow any responses to this entry through
the RSS 2.0 feed.
You can leave a response,
or trackback from your own site.
7 comments:
i agree. :)
kapansin pansin talaga ang commercial ni nikki gil sa coca cola. Simple lamang ang konsepto ngunit patok na patok ito sa mga pinoy.
tama. mahusay nga si nikki gil.
Si Nikki Gil ay isang modelo para sa mga tao. Ayon sa mga tao siya ay talentado, maganda, mautak at higit sa lahat maganda ang puso. Isa siya sa mga taong hindi napapalibutan ng kontrobersya at kaya naman tinitingala siya ng marami. Sana kahit sumikat pa siya ng husto mapanatili niya pa rin ang pagiging mapakumbaba niya.
magaling na pagsusulat ng damdamin.. sumasangayon ako sa lahat ng sinabi ng may akda! makulat at mahusay ang pagkakagawa
I think she's really nice. I mean ang angelic kasi ng face eh, besides pa sa achievements nya and credibility status nya considering how young she is. Oh and off topic lang pero I really like her rendition of old songs, really. Ang superfluous kasi nya, ang soothing ng voice. :D
tama ang sinabi mo na hindi siya ang common na stereotype ng magandang babae para sa ating mga pinoy. siguro ay dahil sa angkin niyang talento at husay sa iba't ibang larangan sa showbiz ay may espasyo siya sa industriya. Maganda ang iyong isinulat dahil punung-puno ito ng emosyon! nakakakilig haha
Post a Comment