Bubble Gang
ni Helen E.
"You're such a loser yaya"
"Bonggang bongga"
ilan lamang ang mga litanyang ito na pinasikat ng comedy show na Bubble Gang. Syempre, tuwing Biyernes, sino ba naman ang makakalimot sa Bubble Gang? Bukod sa patok na patok ang mga patawa nila, kwelang kwela at ginagaya pa ito ng mga manunuod.
Si Ogie Alcasid na hindi naman talaga komedyante (baduy na komedyante noong 90s) ay sumikat ng todo at nakilalang husto sa Bubble Gang. Dito, napatunayan niyang isa siyang versatile na artista; hindi lamang pagkanta ang kanyang hatid, maging ang pagpapatawa ay kayang kaya niya. Hindi man siya gwapo ay nagustuhan siya ng mga tao dahil kwela siya.
Ang mga artistang tulad ni Diego ay nabigyan ng pagkakataong magkaroon ng trabaho at makapagpatawa, isa man siyang objek kung ituring sa loob ng show, sumikat naman siya ng husto sa mata ng madla.
Ang Bubble Gang ay nagbibigay kasiyahan sa mga Pilipino, naghahatid aliw sa mga manunuod at itinatakas sa mundo ng problema ang mga Pilipino partikular ang masa. Pero, ito nga lang ba ang nais iparating ng Bubble Gang?
Ano nga ba ang hatid ng isang Bubble Gang sa mga Pilipino?
Ang Bubble Gang ay isang makabagong kultura ng mga kabataang Pinoy. Kung noon, pinapanuod lamang natin ito at pagkatapos ng programa ay kinakalimutan na natin ang ating napanuod, ngayon, ang show na ito ay tumatatak sa isip ng mga tao at ang mga linyang sinasabi sa loob ng programa ay ginagamit na rin ng mga tao sa pakikipag-usap.
Nagiging role model na ang Bubble Gang sa mga kabataan kung saan ito ang nagiging "fashion" nila pagdating sa pakikipag-usap. Baduy man ang ganitong programa para sa mga ipokrito, ito naman ang nagiging hegemonya sa pagkontrol ng dialogo ng mga kabataan.
Phenomenal lang ang mga linyang pinasisikat ng Bubble Gang, hindi tulad ng gay lingo at salitang kanto na tumatatak sa bokabularyo ng mga tao, ang mga salita sa Bubble Gang ay nalalaos din agad at napapalitan din ng bago.
Baduy na kung baduy, nagsisilbi namang isang hegemonya ang Bubble Gang sa pagkontrol ng mga kabataang Pilipino sa kasalukuyan.
This entry was posted on 5:28 AM
You can follow any responses to this entry through
the RSS 2.0 feed.
You can leave a response,
or trackback from your own site.
1 comments:
wah. wah. wah. wah.
Post a Comment