Vic sotto by Charles Perez
Blog entry # 5
Maria Carmina Baron
Si Bossing ni Charles Perez
Ang napili kong blog entry ay ang isinulat ni Charles Perez tungkol kay Vic Sotto. Nagustuhan ko ito sa maraming dahilan, una, kaakit-akit ang kanyang ginawang introduksyon. Pangalawa, nainitindihan ko nang mabuti ang kanyang isinulat dahil sa choice of words niya at dahil na rin nagustuhan ko ang istilo niya na naglalahad mula sa karanasan.
Hindi ako fan ni Vic Sotto. Hindi ko nga alam kung bakit, katulad nga ng sinabi ni Charles, ay maraming babae ang nahuhumaling kay Vic Sotto. Kung gagawin mo siyang kaedad ko, hindi siya ang magiging trip ko. Nanunuod ako ng mga palabas niya ngunit hindi ko masasabing siya ang pinakamagaling na host sa noon time show at artistang pangkomedya sa kasaysayan ng industriya ng showbiz. Masasabi kong isa siyang matagumpay na comedy star dahil katulad nga ng nabanggit sa blog entry, hindi kailangang magsuot ni Vic ng mga katawa-tawang kasuotan o mag make-up na parang payaso upang magbigay ng ngiti sa mukha ng libo-libo niyang manunuod kahit pa ba minsan kailangan kong amining hindi lahat ng kanyang mga jokes ay nakakatawa, minsan ay corny rin ang mga ito. Gayunpaman, may respeto pa rin ako kay Vic Sotto bilang isang artista.
Katulad ni Charles, naging biktima rin ako ng sapilitang panunuod ng noontime show ni Vic na Eat Bulaga bata pa lamang ako. Paborito itong panuorin pagkatapos kumain ng pananghalian sa aming bahay. Malaki ang hatak ni Vic sa patuloy na tagumpay na tinatamasa ng nasabing TV show, sinabi nga ni Charles sa kanyang entry na tinitingala talaga si Vic sa kanyang talento sa pagpapatawa. Kadalasan pa nga ay idinidikit ang kanyang pangalan kasunod ng King of Comedy na si Dolphy. Talagang isa na siyang matagumpay na artista. Kung maglalabas siya ng pelikula sa MMFF, ang kadalasang dahilan ng pagiging Box office king niya ay dahil mabuting naipa-publicize ang mga pelikula sa noontime show. Dahil nga marami ang sumusuporta sa kanya, marami ang nahahatak niya upang manuod at tumangkilik nito.
Naipakita sa artikulo ang pagiging isang simpleng tao ni Vic, sigurado naman tayong lahat na isa na siyang mayamang tao ngunit may puso pa rin siya sa mga mahihirap. Hindi siya nagbibihis sa mga magarbong damit, okey na siyang lumabas sa TV araw-araw sa simpleng pananamit lamang.
Alam kong kumakanta si Vic Sotto ngunit hindi ako aware hanggang nabasa ko ang entry ni Mr. Perez na may grupo pala si Vic. Nagbanggit pa siya ng ilang mga kantang hindi ko inakalang pinasikat pala ng kanyang grupo.
Tinapos ni Charles ang kanyang entry sa mga salita ng paghanga sa kabutihan ni Vic bilang isang tao, na hindi nagsasawang ibahagi ang kanyang talento at panahon para sa mga simpleng tao humahanga sa kanya.
This entry was posted on 4:29 AM
You can follow any responses to this entry through
the RSS 2.0 feed.
You can leave a response,
or trackback from your own site.
1 comments:
Okay si Vic Sotto!
Hindi siya yung talagang gwapo pero dahil nakakatawa siya, nakakahumaling na din siya!
Mukha pa siyang mabait!
Eat Bulaga pa din ang gusto ko sa lahat ng noon time shows kasi para sa akin, mas totoo sila. Biro mo magtagal ka ba naman ng ganun katagal sa TV, ibig sabihin lang nun, ang mga tao nakikita ang kanilang kabutihan at yung pagiging totoo nila
Post a Comment