ni Pauline Martelino

Ang aking kinuhang blog ay ang blog ni Joanna Marie Becong tungkol kay Judy Ann Santos. Bakit ko ito pinili? Dahil fan din ako dati ni Juday! Lalo na noong panahon na kasabayan pa niya sina Claudine at Jolina. Isa pang dahilan ay dahil ang blog entry naming ito ay ang pinakapaborito ko sa lahat. Ka nga nila, “showbiz”. Magandang naitalakay ni Joanna ang imahe ni Judy Ann sa telebisyon at maging sa totoong buhay. Mabaet, kinakawawa, inaapi, mahirap lamang, nagmamahal, mapagpatawad, ito ang mga ugali ng tipikal na BIDA. Hindi maipagkakaila na lahat ng mga ugaling ito ay pinagdaanan na ng halos lahat ng artistang babaeng pilipina na gumanap ng bidang mga papel. At dahil isa na nga dito si Judy Ann pati na rin dahil sa pinakita nitong husay sa pag-arte, walang masamang isyu tungkol sa kanya at tila sunod sunod ang kanyang mga palabas, maari na natin siyang bansagan na isa sa mga “superstar” sa industriyang telebisyon ng Pilipinas.

Sino nga bang hindi nakapanood ng Mara Clara na kung saan napakahaba pa ng buhok ni Juday doon at tila “nene” pa ang kanyang itsura. Tama nga ang sabi ng autor ng blog, hawa-hawa lang ang ito, kung sabagay hindi naman mahirap magustuhan si Judy Ann. Minsan nga ay napapaiyak o di kaya’y nagagalit ang mga manoonood kapag sinasampal sampal o di kaya’y nilulublob sa drum ni Gladys si Judy Ann sa palabas na ito. Sabi nga nila “nacacarried away” daw sila sa eksena dahil kampi sila sa martyr at napakabaet na si Juday. Marami pang mga palabas na naroon si Judy Ann, tulad ng ezperanza, nasaan ang puso, kahit isang saglit, bakit di totoohanin at madami pang iba. Gumanap din siya sa ilang mga palabas bilang anak o di kaya’y kasama sa barkada tulad ng palabas na isususmbong kita sa tatay ko, Jologs at Gimik.

Ilan sa kanyang mga naging katambal sa pelikula ay sina Wowie De Guzman, Mark Anthony Fernandez at Rico Yan. Ang imahen naman ni Judy Ann pagdating sa pagibig ay ang pagiging martyr at nakasalalay ang kanyang kaligayahan sa mga lalakeng kanyang nakakatambal. Hindi man natin napapansin ito ay sumasalamin sa buhay ng mga Pilipinang tila umiikot ang mundo sa kanilang mga kasintahan. Maaring masasabi natin na ang imahe ni Judy Ann ay totoo hindi man sa kanya bilang tao ngunit representasyon ng nakararami na tumatangkilik at sumusubaybay sa kanya bilang isang aktres.

Nawala si Judy Ann sa showbiz sa isang punto ng kanyang karir. Tila nagsawa na ang mga manonood sa kanyang imahe o maaring pati siya ay nagsawa na din. Ngunit hindi doon nagtatapos ang lahat. Ginulat tayo ni Juday sa kanyang pagbabalik. Mukhang nawala na ang kanyang imahe bilang martyr at lumabas siya bilang isang malakas na babae. Maikli na ang kanyang buhok at napakasopistikada ng kanyang dating, ibang iba na si Juday. Kung akala natin ay hanggang panlabas na anyo lamang ang pagbabago ay nagkakamali tayo. Muli tayong ginulat ni Juday noong siya’y muling gumawa ng mga pelikula at teleserye niya. Nawala na ang mga pacute na roles niya kasama ang kanyang mga leading man. Siguro nga’y “nagmature” na siya bilang isang aktres. Isa sa kanyang ginampanan ay bilang isang matibay na ina para sa kanyang anak sa teleserye niyang “sa puso ko iingatan ka”, katambal niya dito si Piolo Pascual. Ang susunod naman niyang teleserye ay tungkol sa isang NBI agent (oo, action), katambal naman niya dito si Robin Padilla. Napanood niyo ba ang Krystala? Naging matunog ito sa industriya ng telebisyon. Naabot na nga yata ni Juday ang pagiging “super” dahil gumanap na siya bilang isang “superhero” sa kauna-unahang pagkakataon. Hindi lamang ito ang nanggulat sa atin dahil natagpuan ni Juday dito sa programa niyang ito ang kanyang kasalukyang kasintahan na si Ryan Agoncillo (gumanap din na katambal niya sa Krystala). Sumunod naman dito ang kanyang pelikula na “Kasal Kasali Kasalo” at “Sakal Sakali Saklolo” na katambal din niya si Ryan Agoncillo, ang kwento nito’y ang karanasan ng mag-asawa: mga nakakatakot na biyenan, away mag-asawa, kabit at ang hirap magkaroon ng anak. Pagkatapos nito’y gumanap naman si Juday sa isang kakaibang papel bilang “Ysabela”, isang malakas na babae na kung saan sumikat ang kanyang “chicken inasal”.

Masasabi ko ngang malaki ang pinagbago ni Juday. “Extremes” nga ang kanyang ginanap, bilang isang aktres na mahina at kinakaawaan, at aktres na malakas at walang kinakatakutan. Napakagaling nga ni Juday dahil kayang kaya niyang bigyag hustisya ang kahit anong role na kanyang gagampanan. Napakalakas parin ng hatak niya sa kanyang manonood dahil kahit pa napakalaki ng kanyang pagbabago ay patuloy parin silang tumatangkilik sa kanyang mga palabas. Pati ako, hindi ko ipagkakaila, fan parin ako ni Juday.