Game show: Kapamilya Deal or no Deal
Blog entry # 4
Maria Carmina Baron
Naaalala ko pa na nasa elementarya ako nang sumikat ang mga palabas na “The weakest link” at “Who wants to be a millionaire?” dito sa ating bansa, kapwa banyagang mga game shows na binili upang pagkakitaan din dito sa Pilipinas. Si Edu Manzano ang nag-host ng unang nabanggit na gameshow at si Christopher De Leon naman sa ikalawa.
Kasabay ng paglabas ng mga ito na tunay namang naging patok sa ating bansa bagamat hindi ABS-CBN o GMA ang nakabili nito na kilalang mga pangunahing TV networks sa ating bansa, nagsulputan na rin ang mga lokal at orihinal na game shows na katulad na lamang ng “Game Ka Na Ba?” na unang pinagbidahan ni Kris Aquino bilang host. Magpahanggang sa ngayon ay isa pa rin itong mabentang game show kahit hindi ito ipinatern sa anumang banyagang game show.
. Ngunit, magpahanggang sa ngayon, hindi pa rin kumukupas ang kasikatan ng mga game shows na binibili o yung sinasabing “franchised” ng mga tv networks upang gawing mas “Pilipino”
.
Isang halimbawa na lang ang “Kapamilya: Deal or no deal” ni Kris Aquino na nasa ikalawang season na nito dahil sa tagumpay na tinamasa nito nung unang season. Si Kris Aquino na mula sa isang marangyang pamilya ay kilala sa pagsasalita niya sa “sosyal” na paraan – Ingles o sa Taglish. Wala sa kanyang istilo bilang host ang pagsasalita sa purong Filipino lamang. Ito rin ang sinasalamin ng kanyang TV game show na Deal or no deal.
Bagamat binili lamang ito mula sa isang banyangan kumpanya, hindi naman nito ibig sabihin na kailangang banyaga rin ang gamiting wika sa pagpapatakbo at pagpapalabas dito. Kung magkakagayon, siguradong hindi bebenta sa ating bansa ang palabas na ito. Sa katulad na game show na ito, hindi lamang ang nagtataasang papremyo ang salik upang ito ay tangkilikin ng mga tao. Dapat lamang na ang mga manunuod ay nakakareleyt at nakakasunod sa mga pakulo nito. Isang magandang bagay na dapat lamang na isama sa ating konsiderasyon ay ang wikang gagamitin.
Ang deal or no deal, bilang isang game show ay isa ring reality show. Ibig sabihin nito ay walang script sa halos kabuuan ng palabas. Ang mga manlalaro ay libre upang sabihin ang nais nilang sabihin, sa Ingles man o sa Filipino. Ngunit sa katagalan na ako’y nanunuod ng palabas na ito tuwing uuwi ako sa gabi pagkagaling ng paaralan, wala pa akong nakitang mga manlalaro na nagsasalita lamang sa Filipino o maging sa Ingles lamang. Kahit sina Jon Avila at Will Devaugh na naglaro kelan lamang na kapwa sikat sa pagiging bihasa nila sa Ingles ay nagsalita rin naman sa Filipino noong episode nila. Ang mga ordinaryong tao ay napipilitan rin na magsalita sa Ingles kapag pumipili sila ng briefcase sa pagsasabi nila ng “I choose briefcase number…….”
Siguro sa mga palabas na katulad na ito ay hindi maiiwasan ang pagsasalita sa Tagalog at Ingles, kung kaya’t ang nangingibabaw na wika sa mga ganitong klaseng game shows ay Taglish. Kung titignan naman natin ang host, may mga pagkakataon na nagsasalita sa Kris sa Ingles; kapag siya ay nagtatanong o kapag siya ay may nililinaw sa kanyang mga panuto sa manlalaro. Ngunit, kadalasan ay sa Taglish niya mas epektibo at mas mabisang naipapaliwanag ang kanyang sarili para na rin sa kapakanan ng kanyang ma manunuod at manlalaro.
Ang wika bilang salik sa isang TV show ay nakadepende pa rin sa iba’t ibang bagay. Una, sa uri ng tv show, katulad nga ng nabanggit, sa isang reality tv show kadalasan taglish ang nagiging wika. May mga palabas na may pagkapormal ang wikang gamit, katulad sa mga news at public affairs. Mayroong mga palabas na gumagamit ng mga balbal na salita katulad ng mga gag shows at noontime shows. Nakadepende rin sa karakter o host ng isang palabas ang wika.
Para sa akin, sa kontemporaryong panahon ng mga manunuod. Mas pipiliin ng mga tao ang isang palabas na gumagamit ng Taglish, sa isang wikang nagbubuklod ng magkaibang estado sa isang lipunan. Mas epektibo ito upang maging mabenta ang isang palabas.
This entry was posted on 1:01 AM
You can follow any responses to this entry through
the RSS 2.0 feed.
You can leave a response,
or trackback from your own site.
6 comments:
tama. :)
can i buy a vowel?
kasi speechless! lol.
pero sabagay. you got a point there.
communication is a two-way process - sabi sa SPEECOM. hahahah!
Haha hindi ko gets yung "can i buy a vowel?"
- kb
Sa tingin ko halos lahat naman na ngayon gamit talaga ang Taglish kaya naman mas epektibo itong gamitin sa mga shows. Pag Taglish kasi ang gamit para bang ang informal ang usap kaya mas madaling makibagay at mas madali mong maiintindihan yung sinasabi nila
Yeaaaaaaaah! I think mas effective talaga pag tag-lish besides sa mas nakakasanayan na sya ng mga tao ngayon, mas magandang may konting "informality" naman sa ganun. Ang boring naman if consistently formal ang lahat ng bagay diba??? :D
Post a Comment