by Megan de Leon

Pumunta ako ng EDSA Shangri-La Mall sa may Mandaluyong City kung saan ito ang pinaka-paboritong mall na pinupuntahan ko. Para sa akin, ito lang ang mall ang makakapagbigay talaga ng ginahwa kapag ikaw ay lumilibot o napgpapalamig dahil bihira lang mapuno ng sobra ang mall na ito. Ditto ko rin madalas nakakasama ang aking mga kaibigan at malapit lang ito sa aking tirahan. Marami kang magagawa sa mall na ito, kahit hindi ito gaano kalaki marami kang lugar o mga botiques na tiyak bibigyan mo ng interes tignan sa iyong paglakad sa limang palapag na mall na ito. Kahit ang mga taong nakatira sa malayo ay abot kaya ang paglakagbay ditto dahil may sariling MRT Shaw Boulevard walkway ang Shangri-La Mall. Sulit at abot kaya ang kanilang pagpunta galling Monument ka man o Taft Ave. isang magandang rason bakit sakto lang ang lokasyon ng mall na ito ay dahil katabi nito ang EDSA Shangri-La Hotel. Pagpasok mo sa mall na ito ay makikita mo ang pagiging elegante at ang ambiance nito ay ‘relaxing’ sa mga mata ng mga tao. Dito mo makikita nakatambay ang mga tao sa starbucks at ang mga restawrants na nakapaligid sa entrance ng Shangri-La mall katulad ng Crocodile Grill, Via Mare, atbp. Mababait ang mga gwardya at ang mga babaeng bantay sa iyong pagpasok habang may inspeksyon ng mga bag. Mararamdaman mo ang kanilang pag-‘welcome’ sa iyo at talagang kitang-kita ang pagsunod nila sa kan ilang protocol sa inspeksyon kaya naman walang bag o pagkapa ng tao silang pinapalagpasan. Patuloy ang aking paglakbay sa unang palapag kung saan nakikita mo and Body Shop, na madalas pino at ang Malaking National Bookstore kung saan dinadayo ng lahat, mga matatanda, batang estudyante, pati na rin ang mga kolehiyala. Sa tapat nito ay ang Holland Tulips kung saan maganda ang dating nito sa pagpasok ng mall. Katabi nito ang Le Coeur De France kung saan marami rin nakatambay at nakikipagkwentuhan habang kumakain ng tinapay at kape. Maganda ang kapaligiran ang unang palapag. Kapansin-pansin din na binibigyan importansya ng mall na ito ang pagtambay ng mga tao sa labas kung saan ang Starbucks kung saan pwede magsigarilyo at ang Le Coeur De France kung saan tahimik at ‘relaxing’. Ito ang pinakagusto ko sa mall na ito. Kahit ika-limang palapag ay makikita mo rin na araming nakatambay sa Starbucks at malaking balkon kung saan parating puno ito. Makikita mo sa Shangri-La Cinema Complex ang kanilang pagiging strikto sa pagpasok ng pagkain sa kanilang sinehan. Doon lang sila pwede bumili ng pagkain, katulad ng popcorn, hotdog, atbp. Pinaganda ng Shangri-La Mall ang kanilang foodcourt kung saan makikita mo ang varayti ng mga pagkain, ihaw-ihaw, lutong bahay, Japanese, Mongolian, pati na rin ang mga kilalang fast food chains katulad ng McDonalds, Jollibee, Chow King, Wendy’s, House of Minis, Kitaro, Skyway, atbp.